webnovel

Heaven’s End Cliff (3)

Editor: LiberReverieGroup

"Magagawa natin iyon...Pero hindi natin alam kung saan matatagpuan ang Heaven's End Cliff..." Saad ni Qiao Chu na napakamot sa ulo nito.

Tumawa naman si Hua Yao at tumingin kay Jun Wu Xie. Nagpapakita ang mata nito na naiintindihan nito ang sitwasyon.

"Ito ba ang dahilan kung bakit gusto mong iligtas si Mu Qian Fan?"

Tumango naman si Jun Wu Xie.

Nagugulahan naman si Qiao Chu, buti na lang at handa si Hua Yao na ipaliwanag dito ang sitwasyon. "Ang katotohanang handang tulungan ni Little Xie si Mu Qian Fan ay dahil alam ni Mu Qian Fan kung saan matatagpuan ang Heaven's End Cliff. Higit sa lahat, nakarating na ito sa baba ng Heaven's End Cliff kaya mas pamilyar ito sa lugar kaysa sa kahit kanino saatin. Kung maisasama natin siya sa Heaven's End Cliff, mas mapapadali tayo. Gaya nga ng sinabi ni Little Xie, hindi natin kailangang magmadali. Pero ang tignan iyon upang makita kung naroon nga ang posibleng hinahanap natin ay sapat na."

Para namang naliwanagan si Qiao Chu at humarap kay Jun Wu Xie na animo'y sinasamba niya ito.

"Little Xie, hindi ba't parang masyado ka namang matalino. Naisip mo iyon?" Akala ni Qiao Chu ay naaawa lang ito kaya nagpakita ito ng kabaitan kanina sa lalaki. Hindi niya inaasahang may nabuo na agad na plano sa isip nito.

Tinaasan naman ito ng kilay ni Jun Wu Xie pero hindi sumagot.

"Ang totoo niyan...mayroong isang bagay na gusto ko kayong makausap tungkol dito." Biglang naging alanganin ang ekspresyon sa mukha ni Hua Yao.

Bigla ring naglaho ang ngiti sa mukha ni Qiao Chu. "Ang gusto mong pag-usapan ay ang tungkol kay Little Zhuo, tama ba?"

Tumango si Hua Yao.

"Paano nagkaroon ng kaalaman si Fan Zhuo tungkol sa Black Jade Rock at Black Silver? Naguguluhan talaga ako doon. Hindi ko gustong maghinala sa kaniya, pero ang malaman niya ang mga bagay na iyon ay kahina-hinala." Matagal na ring naninirahan sina Hua Yao sa Lower Realm at alam nila kung ano lang ang alam ng mga tao sa Lower Realm at alin ang hindi.

Ang kaalamang iyon ni Fan Zhuo ay nakakapagtaka. Nakakapagtaka para sa isang taga-Lower Realm na malaman iyon.

Kahit na hindi pa nila gaanong kilala ang isa't-isa, ramdam nina Hua Yao at ng buong grupo na mabait si Fan Zhuo. Tanging ang bagay na ito lang ang hindi nila maintindihan.

"Hmm...siya ang anak ng Headmaster ng Zephyr Academy. Posible kayang ang taong nasa Zephyr Academy na may koneksyon sa Twelve Palaces ay ang Headmaster mismo? Kaya naman alam ni Fan Zhuo ang tungkol sa mga bagay sa Middle Realm ay dahil narinig niya mismo?" Nag-aalangan si Qiao Chu na pag-isipan ng masama si Fan Zhuo dahil napakabait nito sa kaniyang paningin.Naroon nga ngayon si Fan Zhuo sa labas para ipagaya ang kanilang ring spirits, at ang pagsuspetyahan ito ay isang bagay na ayaw niyang gawin.

"Posible nga iyon." Tumango-tango si Hua Yao. Kung ganon nga, maaaring iyon ang dahilan kung bakit may alam si Fan Zhuo sa Black Jade Rock at Black Silver.

Noon, ang tao sa Qing Yun Clan na koneksyon sa Palace of Fire Demons ay si Ke Cang Ju at hindi ba't nakuha ni Ke Cang Ju ang Lone Smoke?

"Kung talaga ngang ang ama ni Fan Zhuo, kailangan nating mag-ingat sa pagtatanong dito." Nakatingin si Qiao Chu kay Jun Wu Xie nang sabihin niya iyon.

Malinaw pa sa kaniyang alaala ang kalupitan ni Jun Wu Xie sa Qing Yun Clan.

Subalit parang hindi naman apektado si Jun Wu Xie. Kalmado ang mukha nito.

"Ngunit hangga't hindi pa tayo nakakasiguro, hindi tayo dapat magbanggit ng tungkol dito kay Fan Zhuo." Saad ni Qiao Chu. Magandang kasama si Fan Zhuo, at kapag nalaman nitong ang dahilan kung bakit sila nasa Zephyr Academy ay para nakawin ang mapa sa ama nito, baka ito ay mabigo.

Tumango naman si Hua Yao bilang pagsang-ayon. Maging si Fei Yan ay sumang-ayon doon.

Nakikita nila si Fan Zhuo bilang sakitin, mahina at inosenteng bata.

Subalit...

Lihim na kinagat ni Jun Wu Xie ang kaniyang pang-ibabang labi.

Napakawalang muwang...

Next chapter