webnovel

Kahidlawan (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Nag-aalala si Master Mu sa kondisyon ng aming mga katawan at ang Duke ay pinayagan siyang gamitin ang sampung tauhan ng Rui Lin Armypara tulungan siya sa nais nitong tulong para makagawa ng mainam na elixirs para sa amin." Klamadong tono ni Long Qi, at hindi mahirap tingnan ditto ang mtaas niya na respeto kay Mu Chen.

Tumaas bigla ang kilay n I Jun Wu Xie.

Ang Rui Lin Army ang kapalaluan at kasiyahan ni Jun Xian. Bawat kawal nito ay mataas na premyo. Kahit ang orihinal na katawan nito ay hindi hinahayaang galawin kahit isang beses ang kawal ng Rui Lin Army na nagpapakita lang na ayaw ni Jun Xian utusan ang mataas na premyong mga kawal ng kahit sino lang. At dahil nga pinayagan si Mu Chen na gamitin ang sampung kawal ng Rui Lin Army, ibig sabihin lang nito ay mataas ang tiwala ni Jun Xian para kay Mu Chen.

Base sa reaksyon ni Jun Xian, alam ni Jun Wu Xie na sobrang tapat ni Mu Chen sa mga ipinangako nito sa Cloudy Peaks.

Totoong may isang salita si Mu Chen.

"Lolo at Tiyo… kumusta sila?" Ang tanong na kumikirot sa kanyang puso, ang tanong na gusto niya ng tanungin matagal na at ang tanong na hirap siyang sabihin ngunit hindi niya na ito napigilan n g kanyang sarili kundi itanong na.

Hindi siya nakaranas o nakaramdam ng pagkahidlaw at ito lamang ang unang pagakakataong natikman niya ito ng umalis siya sa Lin Palace.

Nasasabik na siya sa kabaitan at maaliwalas na ngiti ni Jun Xian, nasasabik na rin siya sa masayang tawa ni Jun Qingg. Kahit ayaw niya itong isipin ay ito ang nangingibabaw sa kanyang isipan.

Tiningnan ni Long Qi si Jun Wu Xie, ang mga mata nito'y nanlambot. Nawala ang mga ngiti sa kanyang labi at yumuko ito para itago. "Ang Duke at ang kanyang kataasan ay mabuti naman. Maliban lang sa… sobrang pananabik nilang pareho saiyo."

Bigla nyang narinig ng malinaw ang tibok ng kanyang puso.

Binaba ni Jun Wu Xie ang kanyang mga mata para punasan ang damdamin na namumuo sa kanyang mga mata.

Nasasabik na rin siya sa kanyang Lolo at sa kanyang Tiyuhin, ngunit hindi pa siya pwedeng bumalik.

Takot pa siya. Takot na kapag bumalik siya, magiging maramot siya sa sa init ng pagmamahal sa kanya ng kanyang pamilya at lumambot ang kanyang puso at hangarin.

Ang mapait na aral na naituro sa kanya sa Qing Yun Clan ay kahit hindi mo sila simulan galitin, may ibang tao pa rin na hihilahin ka pababa dahil may taglay syang natatanging Snow Lotus.

Kahit ang Water of Heaven's Spring sa Heaven's Flask ay hinahayaan syang itago ang Snow Lotus at hindi makita ng iba,ayaw niyang mamuhay sa parang nagtatago at nabubuhay ng walang hanagarin.

Hanggang nananatili sa kaniya ang Ring Spirit, at habang nabubuhay siya sa mundo, ang panganib ay marahil nandyan lang sa kanyang palibot anumang oras. Sa ngayon ay mahina pa siya at marupok at hindi niya pa nararating ang Twelve Palaces. Kahit alin man sa Twelve Palaces ang makaalam ng kanyang pagkatao, hindi lang siya, kundi pati na ang buong pamilya ng Jun at sigurado syang madadamay ang Rui Lin Army.

Ang magiting na Middle Realm ay isang bagay na nakita niya at naranasan mismo! Ang lubos nitong lakas at makapangyarihan ay sapat ng gawing miserable ang buhay ng tao at mawala ang lahat ng kanyang mga mahal sa buhay sa isang iglap lang.

Ang tahanan niya. Ang kanyang pamilya.

Hindi dapat siya bumalik!

Kahit gaano pa sya kasabik sa bahay nila, hindi siya makabalik. Sa pagkakataong napagtanto niya na manatili, nakapag desisyon itong samahan si Qiao Chu at ang iba para hanapin ang puntod Dark Emperor, para kumuha ng kayamanan atg manahin ang lakas nito at kapangyarihan, para pasalangin ang lahat n g kaaway na nagtatangka sa Snow Lotus.

Nais niya maging mas malakas, sapat na lakas na nagagawang hindi pagnasaan ang kanyang mga pag-aari, sapat na lakas para protektahan ang bawat hibla ng buhok ng mga taong mahal niya.

Ito ang resolusyon ni Jun Wu Xie. Gagamitin niya ang kalungkutan at pananabik bilang determinasyon para makita si Jun Xia at Jun Qing.

Kapag nabura niya na ang panganib sa mundo, makakabalik na siya sa Lin Palace ng walang pag-alala. Ang makabalik sa mahal nyang tahanan na walang dalang panganib na maglalapit nito sa kanyang pamilya. 

"Young Miss, hindi… hindi ka ba talaga babalik?" Nakita ni Long Qi na binaba nito ang mga mata niya at biglang kumurot ang kanyang puso.

Ang Lin Palace na wala si Jun Wu Xie , ay biglang nakaramdam ng pagkukulang, at ang bawat isa doon ay pakiramdam na nawalan.

Next chapter