webnovel

Magkakasunod na Sampal – Ang Unang Yugto (3)

Editor: LiberReverieGroup

Bago pa makapagsalita si Fan Jin, si Jun Wu Xie ay nagsabing "isama siya."

Napatahimik sa gulat ang lahat sa sinabi ni Jun Xie.

Hindi makapaniwala si Fan Jin sa narinig. Sinabi nga ba ni Jun Xie na isama si Li Zi Mu? Ang parehong tao, Li Zi Mu, na

naging dahilan kung bakit impyerno kay Jun Xie ang Zephyr Academy, at pumayag ito na makasama nila ito?!

SI Li Zi Mu ay gulat na ntiningnan si Jun Xie. Ang hula niya ay kapag tinaggap siya ni Fan Jin na sumabay ay ito ang

unangunang tututol. Hindi niya inaasahan na ito mismo ang unang papayag!

Kahit ang mga kasamahan ni Li Zi Mu sa pangkat ay hindi makapaniwala at tiningnan na lamang si Jun Xie.

Alam ng mga ito ang hidwaan sa pagitan ni Jun Xie Li Zi Mu. Si Jun Xie ay napiling magtago na lamang sa kakawayanan at

samantalang si Li Zi Mu ay hindi tumigil na kuhanin ang simpatiya ng mga tao dahil sa insidente. Alam nila na ang

dalawang ito ay magka-away.

At si Jun Xie pa ang nagsabi kay Fan Jin na tanggapin si Li Zi Mu nang ganoong na lamang kadali?

Ang lahat ay naguguluhan sa nangyayari.

Tiningnan ni Jun Xie si Fan Jin at ang pagtanggi na nasa dulo na ng dila ni Fan Jin ay bigla niyang nilunok. Inayos ni Fan Jin

ang sarili at sinabihan si Li Zi Mu ng "Maari kang sumabay ngunit ayusin mo ang iyong mga medyas! Kung hindi ay

itatapon kita at ipapakain sa mga Spirit Beast!" Kahit ayaw niyang tanggapin ang makasaraling batang ito, hindi niya

matiis ang malamig na titig ni Jun Xie sa kaniya.

Ngumiti si Li Zi Mu sa kaligayahang batid at walang tigil na nagpasalamat kay Fan Jin, ni hindi man lang pinansin si Jun Xie

na siyang unang pumayag upang makasabay siya sa pangkat.

Ibinaba ni Jun Xie ang tingin at hindi na nagsalita.

Ang mga galit na kasamahan ni Li Zi Mu na kaniyang tinraydor ay paalis n asana pero tumigil sa paglalakad ng biglang

nagsalita si Jun Xie at inihagis ang iilang bote ng gamut sa kanila.

"Gamutin niyo ang mga sugat niyo." Walang emosiyon na hayag ni Jun Xie.

Sinalo nila ang mga bote ng gamut at naguguluhang tiningnan si Jun Xie. Hindi nila maintindihan kung bakit ginawa iyon

ni Jun Xie kahit alam nito na isa sila sa mga nagsumpa dito noon. At ngayong inabandona sila ng isa sa kanila, si Jun Xie

na kanilang sinumpa noon ang tumulong sa kanila.

"SI Li Zi Mu ay hindi isang simpleng lalaki… mag-iingat ka." Babala ng nakatatandang disipulo habang mariin na

hinahawakan ang bote ng madesina sa kaniyang kamay at tiningnan si Jun Xie bago tumalikod at umalis kasama ang

pangkat nito.

Ang maiksing inter-aksiyon na iyon ay sapat na upang makapagtanim ng buto sa mga puso ng mga kabataang iyon.

"Ang matatalino ay yumuyuko depende sa sitwasyon, Senior Fan. Magaling ka at maabilidad at sa tingin ko matututo ako

sa mga ibon kung saan sila makakahanap ng mas matibay na sanga pwedeng dapuan." Hindi pinansin ni Li Zi Mu ang

mga sinabi ng dating kasamahan at iginugol ang atensiyon sa pagdikit sa tabi ni Fan Jin.

Nagdilim ang ekspresiyon ni Fan Jin, hindi maintindihan kung ano ang totoong pakay ni Jun Xie.

"Hay, isang hangal." Isang boses na puno ng pang-uyam narinig at mahinang tawa.

Lumingon si Li Zi Mu sa pinanggalingan ng boses.

Nakangiti si Fei Yan na tuningin sa mga mata ni Li Zi Mu at may halong awa.

Kumunot ang noo ni Li Zi Mu. Isang disipulo ng branch division ay aroganteng kumilos sa harap niya?!

"Qiao Chu, Brother Hua." Pagkasiguro ni Jun Xie na wala na ang ibang pangkat, ikiniling niya nag kaniyang ulo at tinawag

si Hua Yao at Qiao Chu.

Ngumisi si Hua Ya at bumaling kay Qiao Chu upang makipagbungguan ng kamao at nagsabing "Naiintindihan namin!"

Si Fan Jin ay sinusubukan pa ring unawain kung ano ang totoong intensiyon ni Jun Xie nang biglang may nakakaawang

sigaw ang aumalingawngaw sa tabi niya.

Kanina lamang, si Li Zi Mu ay nasa tabi niya at ginagawa ang lahat para makuha ang kaniyang atensiyon at sa isang iglap,

nakita niyang hinila ni Hua Yao at Qiao Chu si Li Zi Mu at ipinukol sa puno.

Next chapter