webnovel

Envy, Jealousy, and Hate (3)

Editor: LiberReverieGroup

Nagkagulo ang lahat dahil sa balitang hindi inaasahan.

Hindi sila makapaniwala sa sinabi ng lalaki. Dahil sa panghihinayang at sobrang pagka-dismaya ay hindi sila mapakali sa

kanilang mga upuan.

Hindi darating si Gu Li Sheng?!

Bakit kaya?!

Napaisip ang mga ito kung binago ba nila ang paraan ng pagpipili ng mga disipulo sa pagpasok sa Spirit Healer faculty?!

Sobrang pagkadismaya ang naramdaman ng mga kabataan habang tinitignan nila ang lalaki sa harap ng entablado,

nanghihingi ng karagdagang paliwanag bakit hindi darating si Gu Li Sheng.

Walang magawa ang lalaki kung hindi tignan muli ang mga naguguluhan at nagkakagulong mga kabataan, at muling

nagsalita: "Pinapaabot ni Master Gu ang kanyang mensahe na ang Spirit Healer faculty ay mayroon ng napiling disipulo."

May napili na?!

Gulat na gulat silang lahat sa narinig.

Kailan nangyari ang pagpipili ng bagong disipulo?

Bakit hindi sila nasabihan?!

Nagkaroon ng pag-uusap at haka-haka ang mga kabataan. Marami sa kanila ay naghinalang binago ni Gu Li Sheng ang

paraan ng pagpili ng disipulo at pasekretong nag-obserba sa kanilang lahat simula ng pumasok sila silid-aralan.

Walang nakakaalam sa eksaktong pamamaraan ni Gu Li Sheng sa pagpili ng kaniyang disipulo at ngayong inanunsiyo na

tapos na ang pagpili ng disipulo, wala silang magawa kung hindi ang manghula na si Gu Li Sheng ay pasekretong

pumasok sa silid-aralan at sekretong minamanmanan ang kanilang kilos at galaw.

Ang haka-hakang ito ng mga kabataan ay nagdulot ng pangamba habang inaalala nila ang kanilang mga ginawa sa buong

oras ng diskusyon. Pinilit nilang alalahanin kung nakinig ba sila nang mabuti o nagpakita sila nang kawalan ng interes sa

lecture. Nag-aalala silang lahat at baka nagkaroon ng hindi magandang impresiyon si Gu Li Sheng sa kanila.

Bago magsalita ang lalake, pinagmasdan niya ang mga kabataang puno ng pag-aalala at muling nagpakawala ng

mamalalim na buntong-hininga at sinabi: "Ang disipulong napili ni Master Gun na papasok sa Spirit Healer faculty ay

kanya ng nakausap at doon sa hindi pa nakakatanggap ng kahit na anong balita, ang ibig sabihin noon ay hindi kayo

napili."

Tumingin sa kawalan ang mga kabataan sa rebelasyong nalaman.

Nabanggit ng lalaki na "Nakausap na ni Master Gu ang disipulo". Sinabi niya "disipulo", at hindi "mga disipulo"…

"Ginoo, Si Master Gu...…ilang disipulo ang kaniyang tinanggap ngayong taon?" isang mag-aaral ang nakapansin sa

salitang ginamit ng lalake at isang mapait na katotohanan ang natuklasan.

Sumagot ang lalake: "Isa lang." Parang malamig na tubig ang ibinuhos sa kanilang lahat ng marinig nila iyon. Ang

kaunting pag-asa na pinanghahawakan nila ay biglang naglaho na parang bula.

Isa lang?!

Isang disipulo lang ang tinanggap ng Spirit Healer Academy ngayong taon?!

Paano nangyari iyon?

Lahat ng nandoon ay nadismaya sa pangyayari!

"Sino? Sino ang pinakamapalad na taong iyon?! Dahil isang napaka-espesyal na pabor ang ibinigay sa taong ito,

nagkagulo ang mga kabataan. Palinga-linga silang lahat para hanapin ang taong mapalad at pinaka masuwerte sa

kanilang lahat.

Sa kanilang paghahanap, sumagi sa kanilang paningin ang nag-iisang tao na nakaupo sa isang sulok ng silid. Biglang

tumigil sa pagtibok ang kanilang mga puso, di gumagalaw na parang estatwa.

Sino?

Sino pa!

Bago pa man makapasok ang batang paslit na yun sa Zephyr Academy, naimbitahan na siya ni Gu Li Sheng sa Spirit

Healer faculty! Sino pa ba kung hindi ang batang paslit na nakaupo doon!

Kahit noon pa man, marami na ang naiinggit kay Jun Xie. Subalit ng malaman nila na ang isang mahinang batang katulad

niya ay nakuha ang pinakakukubling posisyon sa Spirit Healer faculty, naging mas lumalim ang kanilang pagkamuhi sa

kaniya!

Lahat sila ay may sapat na kakayahang makapasok sa main division, at sila ang mga kabataang mayroong natatangging

talento, at kinapupurihang katalinuhan kung saan sila nagmula. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang angking galing, mas

mababa pa din ang tingin sa kanila kumpara sa mahina na batang paslit na iyon na may isang malamig at walang

pakialam, ay tinalo sila sa isang oportunidad bilang maging Spirit Healer! Isang malaking kalokohan ito!

Kahit na mas may higit na makapangyarihan na faculty, sila ay nagagalit sa kadahilanang sa dami nila na magagaling,

natalo lang sila ng isang paslit.

Ang kanilang mga mata ay umaapoy na nakatuon sa maliit na pigura sa isang sulok, hinahangad ng buong puso nila na

sana lumiyab siya sa apoy at matupok.

Next chapter