Si Mu Chen na tahimik lang sa buong pangyayari ay maingat na nakipagpalitan ng tingin kay Jun Wu Xie. Tumayo siya at nagsalita: "Mahal na Sovereign, gusto ko lang itanong kung kami bang mga Elder ay may ginawang hindi maghanda para pagmalupitan mo ng ganito. Kung ang intensyon mo ay para mawala kami ng kapangyarihan at awtoridad, kailangan mo lang mag-utos at hindi na kailangang umabot sa ganito. Ikaw ang Sovereign at ang iyong salita ay ang batas. Ang iyong salita ay sapat na para mawala kaming mga Elder."
Ang mga sinabing iyon ni Mu Chen ay bumaon sa mga puso ng mga Elder. Ang kaniyang mga sinabi ay nagpaalala sa mga Elder ng mga insidenteng naganap nitong mga nakaraan, at iyon ay ang pagkamatay ng kanilang mga disipulo.
Napalingon naman si Qin Yue para harapin ang isa pa niyang kaaway. Ito ay bumalaktot para sa kaniyang ikalalaglag.
Natauhan naman ang mga Elder at sabay-sabay na nagsalita. Binabato nila ng pangaral at payo si Qin Yue.
Sino ba si Qin Yue? Kung paanong napasakamay nito ang pamumuno ay hindi malinaw, ngunit nahuhulaan na ng mga Elder kung ano talaga ang nangyari.
Isang taong ganid sa kapangyarihan at nagawang patayin ang kaniyang Guro. Ang gaanong tao ay hindi malabong kayang gawin sa kaniya mismong Elder para matanggal dito ang awtoridad.
Ilang sandali lang ay sumabog ang galit sa main hall ng Qing Yun Clan at lahat ng mga disipulo ay nakaturo kay Qin Yue!
Bigla ay naging kaaway nilang lahat si Qin Yue!
Matamang nanuod naman si Jun Wu Xie sa eksena sa kaniyang harapan.
Sa ilalim ng galit ng mga Elder, bumulalas si Qin Yue at sinigawan ang tahimik na nagmamasid na si "Ke Cang Ju": "Ke Cang Ju! Bilang Elder ng Hidden Cloud Peak, inudyukan mo ang mga Elder laban sa akin! Ano talaga ang iyong motibo?!"
Galit na galit na si Qin Yue at alam niyang hindi mangmang si "Ke Cang Ju" para panoorin siyang bumagsak. Alam niya dapat ang kaniyang ginagawa! Alam dapat ni Ke Cang Ju na kung babagsak si Qin Yue at mawawala sa kaniya ang kaniyang posisyon, hindi rin ito makakaligtas sa mga Elder ng ganon na lang.
Lalabanan din ito ng mga Elder katulad ng ginawa sa kaniya!
Dahan-dahang Tumayo si "Ke Cang Ju" at kalmado ng tinignan si Qin Yue bago nagsalita: "Wala akong tinatagong motibo, nagsasabi lang ako ng katotohanan."
Nagtatagis ang bagang ni Qin Yue at sumagot: "Anong katotohanan?! Bakit ka sumasalungat sa akin?! Bakit!?"
Ngumiti lang si "Ke Cang Ju" at hindi sumagot. Si Jun Wu Xie naman ay sunod na tumayo, ang kaniyang nagyeyelong titig ay napako kay Qin Yue at kalmado ring sumagot.
"Dahil hindi siya ang Elder ng Hidden Cloud Peak."
"Ano?!" Nanigas si Qin Yue na tumitig kay Jun Wu Xie.
"Hua Yao, ipakita mo ang tunay mong katauhan sa Sovereign." Ngumiti si Jun Wu Xie. Malapit nang magsimula ang unos sa mga pangkat ng Qing Yun Clan!
Nang marinig nila ang sinabi ni Jun Wu Xie, nakasaksi sila ng hindi kapani-paniwalang pangyayari!
Nakita nila ang kubang likod ni "Ke Cang Ju" na tumuwid, tumangkad, ang nakakatakot nitong mukha ay nagbago at unti-unting bumabata.
Tinanggal ni Hua Yao ang balabal at ang kaniyang matangkad na tindig ay nababalot ng lila.
Ilang sandali lamang ang lumipas ay nagpalit ang anyo ang kubang matanda sa pagiging gwapong binatilyo!
Nabalot ng katahimikan ang buong main hall, ang buong atensyon ay nasa hindi nila kilalang binatilyo na nakatayo sa kanilang harapan!
Ang pagbabagong-anyo na nangyari sa kanila mismong harapan ay ngayon lang nila nasaksihan sa kanilang tangang buhay!
"Ikaw...hindi ikaw si Ke Cang Ju!" Namumutla ang mukha ni Qin Yue nang ituro nito si Hua Yao.
"Hindi kailanman." Bahagyang tumawa si Jun Wu Xie. Ang tawang iyon ay nagdulot ng ningning sa buong mukha nito.