webnovel

Obliterate (4)

Editor: LiberReverieGroup

"Iiwan ko ang desisyon sa ating Sovereign kung paano at ano ang gagawin tungkol doon." Pinili ni Hua Yao na huwag kumilos sa kabila ng pagbabago ng isip ni Qin Yue. Hindi siya si Ke Cang Ju at wala siyang pakialam kung ginalit niya ito at gusto na siyang patayin sa galit. Ang mahalaga sa kaniya ay kung makakapagsimula ba siya ng gulo sa Qing Yun Clan.

Galit na tumitig si Qin Yue kay Ke Cang Ju at nanatiling tahimik ng ilang sandali bago tuluyang nagsalita: "Sige! Pumapayag na ako! Ngunit kailangan mong ipangako saakin na wala kang gagalawing direktang disipulo ng Elder. At kailangan mong ibigay sa akin ang lason sa lalong madaling panahon dahil ayaw kong maghintay!" Nabubulagan na ito sa kagustuhan nitong ipaghiganti ang kaniyang anak kaya naman pumayag ito sa gustong mangyari ni Ke Cang Ju.

Kahit na alam ni Qin Yue na magdudulot iyon ng matinding galit sa kaniya ng mga Elder, kumpiyansa siyang ang pamamalakad ng Qing Yun Clan ay nasa kaniyang mga kamay at kahit na hindi iyon magugustuhan ng mga Elder, hindi ito magdudulot ng kapahamakan.

Darating ang araw na lulunukin ni Qin Yue ang kaniyang kayabangan. Naisip niyang kahit na nagiging arogante si Ke Cang Ju, naniniwala siyang alam nito ang hangganan nito. Ang hindi niya alam ay ang Ke Cang Ju na kaniyang kaharap ay nagpapanggap lamang. Si Hua Yao kasama si Jun Wu Xie ay walang ibang hangarin kundi ang magdulot ng kaguluhan sa Qing Yun Clan!

"Sisiguraduhin kong magugustuhan mo iyon." Hindi na nagsalita pa si Hua Yao dahil nakuha na nito ang kaniyang gusto. Tumango lang siya habang patuloy na nagsasalita si Qin Yue. Sa kaniyang puso, tahimik siyang nagpupugay.

Sa kabila ng mga planong hinanda ni Qin Yue para sa Jun Family at Emperor ng Qi, hindi niya alam na ang lalaking nasa kaniyang harapan ay nagpaplano na ng kaniyang kamatayan sa loob mismo ng Qing Yun Clan.

Nang makuha na ni Qin Yue ang gusto niyang sagot, tumayo na siya para umalis.

Nang nasa pinto na si Qin Yue ay muling nagsalita si Hua Yao: "Huwag mong kaligtaang itago ng mabuti ang mapang iyon."

Saglit na tumigil si Qin Yue at gumapang ang takot sa kaniyang katawan. "Alam ko. Nakatago iyon ng mabuti."

Tumalikod na si Qin Yue kay Hua Yao at hindi na nito nakita ang tuwang bumakas sa mga mata ng huli.

Umalis na si Qin Yue, tanging si Hua Yao nalang at ang itim na pusa ang natira sa silid.

Nanaig ang katahimikan at sa wakas ay ipinatong ni Hua Yao ang kaniyang baba sa kaniyang palad para titigan ang pusa at mayamaya ay tinanong niya ito. "Ang pamilya mo ba ang nasa likod ng pagkakatay ni Qin Yu Yan at Jiang Chen Qing?"

Liningon naman ito ni Jun Wu Xie at kalmadong tumitig kay Hua Yao. Sa bilis mag-isip ni Hua Yao madali lang sa kaniyang pagtagpi-tagpiin ang pangyayari.

"Ako ang may gawa noon." Walang pag-aalinlangang sagot ni Jun Wu Xie.

Saglit na natigilan si Hua Yao sa sagot nito at biglang tumawa ng malakas.

"Iyon pala ang dahilan kung bakit gusto mong burahin ang Qing Yun Clan. Inaasahan mo nang mangyayari ang mga bagay na ito. Naisip mong kapag naunahan ka ni Qin Yue, wala kang sapat na kakayahan para lumaban kung kaya ay napagdesisyunan mong burahin ang Qing Yun Clan bago ka pa man nila maunahan?"

"Oo." Simpleng sagot ni Jun Wu Xie.

Mariing tinitigan ni Hua Yao ang pusa. Sa mga matang iyon ay parang sumasalubsob ang kaniyang titig sa kaluluwa ng nasa katawang iyon.

"Pagkatapos maisakatuparan ang iyong sadya sa Qing Yun Clan, kung ikaw ay may oras, maaari ka bang sumama saamin pabalik?" Naisip niyang sila ay magandang kombinasyon sa taglay nitong talino.

"Hindi ba't pumayag na ako doon?" Lumalim ang tingin ng pusa at tumalon pababa ng la mesa.

"Mukhang walang limitasyon si Qin Yue sa pagtupad sa mga gusto ni Ke Cang Ju hanggat hindi nailalagay sa panganib ang kaniyang pwesto bilang Sovereign. Malaya naman tayong gawin ang ating mga gusto sa ibang pangkat. Wag mong papalagpasin ang pagkakataong ito." Ikinatuwa ni Jun Wu Xie ang mga salitang iyon at lumukso sa tuwa gamit ang katawan ng pusa.

Pinanuod naman ni Hua Yao ang pusang nagtatalon sa tuwa dahilan para siya ay mapangiti. Sigurado siyang magagawa ni Jun Wu Xie ang gamot.

Next chapter