Para kay Jun Wu Xie, ang kanyang konsepto ng alyansa, ay isang bagay na nagpapadali sa kanya kung magagamit niya, at hindi niya magiging alalahanin kahit na hindi siya magbuo ng isa.
Balak rin naman niyang gawin ang lahat ng mag-isa sa simula.
Ngunit…..
Mukha bang siyang….. nagbibiro
Nagsulyapan sila Hua Yao at Qiao Chu at nakita ang simpleng sagot sa mga mata ng isa't isa.
"Pwede tayong magtulungan, at kung matagumpay tayo, mayroon kaming hihingiing pabor mula sa'yo."
"Magsalita kayo." Hindi na nagulat si Jun Wu Xie. Masigla si Qiao Chu, at hindi niya inakalang iingatan siya nito kahit isang beses palang silang nagkikita."
"May sinabi si Qiao Chu tungkol sa paggawa mo ng mga elixir, at nais naming humingi ng tulong mo sa paggawa ng isang elixir. Bibigay namin sa 'yo ang reseta, at tutulungan ka naming maghanap ng mga sangkap. Kailangan mo lang gawin ang elixir." Sandaling tumigil si Hua Yao: "Hindi namin kailanan ng paniguradong pagtatagumpay dito, ngunit pag-asa na gagawin mo ang lahat ng kaya mo. Kapag gumana, malaki ang utang namin sa'yo. Ngunit pag hindi, hindi na namin ipipilit ang plano namin."
Tumango si Jun Wu Xie. Nagtaka siya kung bakit nakabantay palagi sa kanya so Qiao Chu, mukhang ang elixir na ginawa niya sa Bayang Naulog ang nakaakit ng pansin ni Qiao Chu.
Ang magawang hingiin ni Hua Yao at Qiao Chu ng may mataas na respeto sa kanya, mukhang hindi ito madaling gawin. Ngunit nang dineretso siya ni Hua Yao, wala siyang nakitang rason para tanggihan siya.
Bukod pa rito, sa medisina at sa kakayahang gumawa ng elixir, mataas ang tingin ni Jun u Xie sa kanyang sarili.
Basta't nagawa na dati ang elixir na ito, tingin niya'y kaya niya itong gawin!
"Sige, pangako iyan." Pumayag si Jun Wu Xie ng walang pagaatubili.
Natuwa si Wiao Chu, "Sabi na eh! Alam ko nang papayag ka!"
"....." Tinignan ni Jun Wu Xie si Qiao Chu, patas nausapan ang naganap, at ang sobra-sobrang emosyon ay gugulo lang sa isipan.
Sanay na si Hua Yao sa masayang personalidad ni Qiao Chu at hindi pinansin ang kanyang pagwawala, tinuloy niya ang mga detalye patungkol sa Hidden Cloud Peak.
Sa isang buwan niyang pananatili sa Hidden Cloud Peak, malaki ang pinagkaiba ng pagkakaintindi ni Hua Yao sa Hidden Cloud Peak, kumpara kay Bai Yun Xian.
Nanatili lang si Ke Cang Ju sa kanyang mga silid bawat umaga at hindi lumalabas. Nagbababa lang siya ng mga utos sa mga disipulo ng Hidden Cloud Peak tuwing hapon at saglit lang.Madalas siyang mag-isa at kahit ang mga totoong disipulo ng Hidden Cloud Peak ay hindi nagkaroon ng pagkakataon para makihalubilo sa kanya. Paglubog ng araw, bababa si Ke Cang Ju sa silid na ito, at pahihirapan ang mga bagong kasapi niya.
Para sa mga binatang nakakulong sa silid na ito, mga daga lang ang tingin sa kanila ni Ke Cang Ju para sa kanyang mga pagsusuri, na naglalaman ng pagpapakain ng lason at pagpapahirap. Maraming iba't ibang pagsusuri ang nagaganap dito araw-araw.
Pag lubog ng araw, nagiging impyerno ang Hidden Cloud Peak.
At ang mga namamatay sa kanyang mga gawain, ay sinasakay sa kariton at linilibing sa mga taniman ng damong-gamot ng mga disipulo ng Hidden Cloud Peak, para maging pataba sa lupa.
Matapos matanggap sa Hidden Cloud Peak, hangga't hindi sila nagiging totoong disipulo sa ilalim ni Ke Cang Ju, hindi sila makakaalis sa Hidden Cloud Peak, kahit na mamatay pa sila.
Ang mga taong 'yon ay itinadhanang hindi na makaalis ng buhay, magmula nang lumakad sila sa loob ng Hidden Cloud Peak.
Nakinig si Jun Wu Xie kay Hua Yao, at bumaba ang kanyang malamig na tingin, at nag-isip. Biglaan niyang tinaas ang kanyang ulo at tinanong si Hua Yao: "Kung kaya mong kontrolin ang mga buto mo, kaya mo bang ibahin ang hugis ng katawan mo?"
Nagulat si Hua Yao! At mukhang maintindihan niya ang tanong ni Jun Wu Xie, ngunit hindi siya sigurado bago siya tumango.