Kinakaladkad ng mga kabataan ang kanilang mga katawan, at lumabas para kunin ang mga timba at nagsimula nang bumiyahe para kumuha ng tubig mula sa batis.
Dalawang tamad ang bumuntot sa grupo at pinanood ang ibang pinipilit lang ang sariling mga katawan para kumuha ng tubig.
"Gutom ka na?" Tinanong ni Qiao Chu matapos silang iwan ng lahat sa labas ng mga kwarto.
Inalog ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo. Matagal nang maliit ang sikmura niya, at wala siyang hilig sa pagkain, sinisiguro lang na sapat ang kinakain niya bawat araw at hindi sosobra. Ang mga elixir na dala niya ay sapat na para hindi siya makaramdam ng anumang pagkagutom.
"Eto, dalhin mo lagi ito. Hindi mo kailangang kainin ngayon, itago mo lang. Mukhang matagal-tagal ang paghihirap na ito." Naglabas si Qiao Chu ng pakete ng dried meat mula sa kanyang bayong at linagay ito sa mga kamay ni Jun Wu Xie.
Nagtaas siya ng isang kilay at tinignan si Qiao Chu. Madaldal siya, ngunit ang mga kilos niya ay nagpakita ng mga pag-iisip na malayo sa personalidad na iniingatan niya. Ang pangunahing layuning ni Qiao Chu ay matanggap sa Hidden Cloud Peak, at ang mga kilos niya matapos matanggap ay nagpakita na alam niya ang mga gawain sa loob nito. Maliit at hindi halata ang dried meat, at madalas ginagamit na pambaon. Madalang lang makakakita ng taong may dala nito maliban sa mga madalas maglakbay, at mukhang maayos ang paghahanda ni Qiao Chu para sa mga hindi inaasahang mga pangyayari.
Sa simula palang ay sinabi na ni Qiao Chu na poprotektahan niya si Jun Wu Xie sa Hidden Cloud Peak, kaya mukhang may alam na siya sa mga nangyayari dito. Mukha ring hinanda ang dried meat para sa pagpapahirap ngayong gabi.
Ano ba ang layunin ni Qiao Chu dito sa angkan ng Qing Yun?
Napansin ni Qiao Chu na hindi tinanggap ni Jun Wu Xie ang dried meat at binalik ito sa kanyang bayong. "Pag nagutom ka, sabihan mo lang ako. Mayroon akong higit sa sapat. Wag na tayong magdala ng tubig, imposibleng matapos ang gawain. Dito nalang muna tayo? Pag bumalik ka ngayon, papagalitan ka lang ng mga senior."
Hindi hahayaan ni Qiao Chu na maging utusan ng Hidden Cloud Peak.
"Saan ka pupunta?" Biglaang tinanong ni Jun Wu Xie.
Nagatubili si Qiao Chu, at inisip kung ano ba ang gagawin ni Jun Wu Xie pag mag-isa ito.
"Gusto mong maiwan ako dito, paano ka?" Binigyanng pansin ni Jun Wu Xie na hindi niya pinag-uusapan ang kanyang sarili.
Sinampal ni Qiao Chu ang kanyang noo: "Halata ako, hindi ba? Lagi akong pinapagalitan ni Brother Hua dahil diyan." Tinignan niya ang kanyang paligid at ng nakasisiguradong walang tao: "May hahanapin ako. Delikado ang Hidden Cloud Peak, kaya wag kang lalayo dito. Pagkatapos kong makipagusap sa taong iyon, babalikan kita."
Sa mga mata ni Qiao Chu, ang maliit na katawan ni Jun Wu Xie ay magpapahirap sa kanyang pananatili sa loob ng Hidden Cloud Peak. Akala niya'y kapag wala siya para bantayan si Jun Wu Xie, hahabulin siya ng ibang kabataan at dadalhin siya kasama sila.
"Sasama ako sa'yo." Sinabi ni Jun Wu Xie.
Nabigla si Qiao Chu.
"Gusto mong sumama sa akin?"
Tumango si Jun Wu Xie.
Mas pamilyar si Qiao Chu sa Hidden Cloud Peak kaysa sa kanya. Kahit sino pa si Qiao Chum hindi siya kaibigan ng angkan ng Qing Yun. Kapag walang pagsasalungat sa kanilang mg alayunin, handa si Jun Wu Xie na kilalanin ang Hidden Cloud Peak sa pamamagitan ni Qiao Chu.
Mukhang namomroblema si Qiao Chu, tinignan niya si Jun Wu Xie ng matagal at sinabing: "Sige, pero mangako ka sa akin. Na kahit ano pa ang makita mo, wala kang gagawing kahit anong ingay."
Mas maganda sigurong isama si Jun Xie, kaysa iiwan siya dito sa yungib ng mga leon na baka maging problema pa para sa kaya.
Halata naman, na mali ang akala ni Qiao Chu kay Jun Wu Xie. Nakita niya si Jun Wu Xie bilang isang mahinang binata, at nakalimutan ang mga kakayahan ni Jun Wu Xie sa lason na nakita lang niya kailan lang.