Binalewala ni Jun Wu Xie ang pag-iyak nito at nagpatuloy sa pagpulot ng mga bote bago niya itinapon sa sahig ang iba.
Ang mga elixir na dati ay inaasam-asam ng mga tao ay basta na lang niya itinapon. Sumingaw ang amoy nito galing sa bote ng ito ay mabasag.
Ikinagulat ni Qin Yu Yan ang ginawang iyon ni Jun Wu Xie. Sinayang nito ang mga elixir gayong alam niya ang laman niyon.
Itinapon ni Jun Wu Xie ang mga gamot maging ang lunas sa lason! Ang natitirang hawak nito ay ang lason!
"Ibuka mo ang bibig niya." Utos ni Jun Wu Xie kay Drunk Lotus.
Nagwala si Qin Yu Yan sa kaniyang narinig ngunit mas malakas sa kaniya si Drunk Lotus.
Ibinuka naman ni Drunk Lotus ang bibig ni Qin Yu Yan. Wala itong mahingan ng tulong. Umagos ang luha sa kaniyang mga mata habang si Drunk Lotus naman ay pinapanatiling nakabuka ang kaniyang bibig.
"Takot?" Tinignan lang ni Jun Wu Xie si Qin Yu Yan at tipid na nagtanong.
Sunod sunod ang pagkurap ni Qin Yu Yan ng kaniyang mga mata. Hindi lang siya takot, kundi ay takot na takot!
Wala pang nakilala si Qin Yu Yan na kasing tapang ni Jun Wu Xie. Kahit na alam nitong siya ang Eldest Miss ng Qing Yun Clan, ay wala itong pakialam!
Nagsalubong ang mga kilay ni Jun Wu Xie habang pinapanood ang luhang dumadaloy sa mga mata ni Qin Yu Yan at nagtanong: "Nang galawin mo si Mo Qian Yuan, di ba't wala kang kinatatakutan sa oras na iyon?" Ang laman ng boteng hawak ni Jun Wu Xie ay ang mismong lason na pinilit ni Qin Yu Yan na ipainom kay Mo Qian Yuan. Nang makita niyang tumatalab na sa katawan ni Mo Qian Yuan ang lason siya ay nasisiyahang panuorin iyon.
Walang pagdadalawang isip na ibinuhos ni Jun Wu Xie ang laman ng bote sa nakabukang bibig ni Qin Yu Yan. Isinarado naman iyon ni Drunk Lotus nang maibuhos na ang lahat ng laman 'non at ipinilit na lunukin nito ang lason.
"Pakawalan mo siya." Muling utos ni Jun Wu Xie.
Basta naman itong itinapon ni Drunk Lotus sa kung saan at pagkatapos ay pinagpag nito ang kaniyang kamay na para bang galing ito sa paghawak ng isang napakaruming bagay.
Ilang sandali lang ay nagsimula nang umepekto ang lason sa kaniyang katawan. Nararamdaman na ni Qin Yu Yan ang matinding sakit sa kaniyang buong katawan at maya-maya lang ay nangingisay na ito sa sahig. Nagsisisigaw siya sa sobrang sakit ang kaniyang buong katawan ay parang tinutusok ng libo-libong karayom.
Mataman lang itong pinanuod ni Jun Wu Xie. Walang bahid ng awa ang makikita sa mga mata nito.
Ang maawa sa iyong kaaway ay katumbas ng kalupitan sa iyong sarili.
Nang galawin ng Qing Yun Clan si Mo Qian Yuan at ang Jun Family, hindi ito naawa sa kanila. Kaya ngayon ay dapat lang na maramdaman nila ang malupit na ganti. Dobleng parusa ang kaniyang ibabalik sa bawat nang-api sa kanila.
Ibinabalik niya lang ng doble at higit pa ang pinsalang ginawa ng mga taong ito sa kaniyang pamilya at kakampi!
"Dahil ilang beses mong binanggit na kayang gawin lahat ng Qing Yun Clan, iiwan kita dito sa main hall para iligtas ang iyong sarili. Iiwan ko lahat ng lunas na iyan para sa'yo." Sabi ni Jun Wu Xie kay Qin Yu Yan.
Ano ang sabi ni Jun Wu Xie? Sinabi niya bang iiwan niya ang mga lunas na iyon? Hahayaan niyang makatakas si Qin Yu Yan?
Bumakas naman ang pag-asa sa mga mata ni Qin Yu Yan sa kabila ng sakit na dinadanas nito.
Hindi siya papatayin ni Jun Wu Xie!
Pinanuod saglit ni Jun Wu Xie si Qin Yu Yan. Inilabas nito sa palad nito ang isang bola ng orange spiritual energy at ibinato iyon sa mga gamot na nagkalat. Sa loob ng isang segundo ay naging pulbos ang mga iyon. Ang pinakamamahal na elixir ni Qin Yu Yan ay naging abo ng ganon lang kabilis. Kasama sa mga nadurog ay ang mga boteng pinaglalagyan noon at imposibleng mapaghiwalay sa mga gamot.
"Para lang sa'yo."