webnovel

Ikaapat na Sampal (3)

Editor: LiberReverieGroup

Ilang sandali lamang ang nakakalipas ay nakahandusay na sa sahig ang apat na lalaki habang kinukumbulsyon ang mga ito.

Hindi naman nagugustuhan ni Qin Yu Yan ang kaniyang nasasaksihan habang ito ay nakatayo malapit sa trono. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari! Ang gwapong lalaking iyon ay may bukod tanging kakayahan!

Ipinitik lang nito ang daliri sa ere at lumabas na ang mga ahas na nagpatumba sa apat na lalaki. Isa doon ay isang indigo spirit at iyon ay natalo din!

Saan nanggaling ang kapangyarihan nito!?

Ang kaniyang pagkamangha ay agad na napalitan ng takot. Nabura ang ngiti sa mga labi ni Qin Yu Yan nang mapagtanto ang kayang gawin ng lalaki.

Maingat naman na bumaba si Jun Wu Yao habang nakayapos kay Jun Wu Xie. Iniingatan niyang huwag marumihan ang kaniyang munting prinsesa. Ni hindi nito tinapunan ng tingin ang apat na kinukumbulsyon.

Nakatuon naman ang buong atensyon ni Drunk Lotus sa pakikipaglaban sa gitna ng main hall. Ang kaniyang mga mata ay nagbabaga sa sobrang galit. Ang kaniyang mga suntok ay hindi na makita sa sobrang bilis niyang gumalaw. Ang bawat tinatamaan ng suntok niya ay iniinda iyon.

Babalutin ang katawan sa spiritual energy?

Mahuhusay na blue spirit?

Isa-isa itong bumabagsak sa kamay lang ni Drunk Lotus. Ang bawat subok ng mga itong makaganti sa kaniya ay nagmumukhang biro.

Ang isang suntok ni Drunk Lotus ay nakapagbasag ng bungo ng isang Qing Yun Clan disciple. Ang dugo nito ay kumalat sa robang suot ni Drunk Lotus na puno na rin ng dugo. Mas lalong bumibilis ang bawat galaw ni Drunk Lotus. Si Jiang Chen Qing na nag-utos para patayin si Drunk Lotus, ngayon ay nakahandusay sa sahig bali ang braso at buto sa likod. Nakahandusay lang ito sa lapag habang pinapanuod ang sugo ng Kamatayan!

Naiintindihan na ngayon ni Jiang Chen Qing kung paanong si Jun Wu Xie na miyembro ng Jun Family ay nakapasok dito sa Imperial Palace.

Base sa kakayahan ni Drunk Lotus, ang mga taong ipinadala nila sa Lin Palace ay nalipol!

Hindi iyon akalain ni Jiang Chen Qing, siya na halos kalahati ng buhay niya ay namumuno sa mga tao ay madaling natalo dito sa napakaliit na kaharian na tulad ng Qi, na naitatag wala pang isang daang taon ang nakakalipas.

Bagaman walang nag-aakala sa presensiya ng batang lalaking may taglay na kapangyarihan sa Kingdom of Qi.

Sa lakas nito, hindi ito kayang talunin ng indigo spirit kahit na siguro ang purple spirit.

Nalusaw ang lahat ng kayabangan at pagmamataas ni Jiang Chen Qing sa mga suntok lang ni Drunk Lotus. Nakahiga lang siya sa lapag habang tinitignan ang mga pinatay ni Drunk Lotus.

Dala naman ng black beast sa likod nito ang hinang-hinang si Mo Qian Yuan. Pinahirapan na si Mo Qian Yuan hanggang sa malapit na nito iyong ikamatay. Tumatakbo ito ng mabilis patungo sa main hall.

Binuhos na niya ang kaniyang buong lakas at hindi siya dapat sumuko.

[Siya ay nasa malubhang kalagayan. Malubhang malubha.] Tumigil ang black beast sa harap ni Jun Wu Xie at ikinumpas ang mahaba nitong buntot.

Alam niyang hindi siya duktor, ngunit dahil sa lagi siyang nasa tabi ni Jun Wu Xie at batay sa kaniyang mga nasaksihan, nakikita niyang nasa bingit na ng kamatayan si Mo Qian Yuan. Ang tanging dahilan lang kung bakit hindi pa ito tuluyang pinatay ng Qing Yun Clan ay dahil sa gusto ng mga itong malaman kung nasaan ang Soul Jade. Ngunit ang kaniyang katawan ay nagsimula nang manghina. Ang binti nito ay pinutol. Barado ang mga ugat nito. Hindi malayong mamatay ito anumang oras magmula ngayon.

Nagsalubong ang mga mata ni Jun Wu Xie nang makita si Mo Qian Yuan. Sanay siyang makakita ng dugo ngunit ang makita ang kalunos-lunos na itsura ni Mo Qian Yuan ay nagpasama ng kalooban ni Jun Wu Xie.

Ang mga ito ay hindi lang masasama.

Malala na ang kalagayan ni Mo Qian Yuan. Nabubuhay na lang ito dahil sa gamot na ipinilit ipainom dito para manatiling gising. Ang mga labi nito ay nakatikom ngunit patuloy pa ring umaagos ang dugo sa gilid ng bibig nito.

Huminga ng malalim si Jun Wu Xie at tumingin kay Drunk Lotus na tuwang-tuwang nakikipaglaban. "Bilisan mo nang tapusin 'yan." utos ni Jun Wu Xie.

Makakapaghintay siya ngunit hindi ang mga tinamong pinsala ni Mo Qian Yuan.

Next chapter