"Kumusta ang mga bagay-bagay?" Tanong ni Jun Wu Xie nang ibaling nito ang kaniyang paningin sa ibang direksyon.
Sumagot naman si Mo Qian Yuan: "Ang lahat ay nagawa ayon sa iyong plano. Nailipat na si Bai Yun Xian sa dating Crown Prince Palace para maiwasan ang pagdududa sa mga taga Qing Yun Clan sa oras na sila ay magtagpo." Tumingala si Mo Qian Yuan kay Jun Wu Xie T nag-aalangang nagtanong: "Naniniwala ka bang papanindigan ni Bai Yun Xian ang kaniyani ipinangako? Paano kapag nagsumbong ito sa oras na makita niya ang mga taga Qing Yun Clan?"
"Siya ang mamimili sa kapalaran niya base sa kaniyang nasaksihan." Humigop si Jun Wu Xie sa kaniyang tsaa. Nagkalat ang amoy nito sa paligid.
"Ginawa mong parang halimaw ang itsura ni Mo Xuan Fei para lang dito?" Natigilan si Mo Qian Yuan sa kaniyang napagtanto. Ang itsura ni Mo Xuan Fei ngayon na kung sinuman ang makakita dito ay natatakot sa kaniya. Habang ito ay naaagnas sa piitan, lumalapit naman dito Ng mga daga, langgam, uod at iba pang kumakain dito. Mas lalong tumuling ito sa pagkabulok niya.
Nasaksihan ni Mo Qian Yuan ang pagkaagnas ni Mo Xuan Fei. Manipis na lang ang bumabalot sa mga buto nito. Mukha nang kalansay ang itsura nito ngunit ang laman nito ay nagreregenerate at muli ay maaagnas.
Iyon ang nakapagbigay ng trauma kay Bai Yun Xian. Inuuukupa nito ang kulungang nakaharap kay Mo Xuan Fei. Kahit na hindi niya ito tignan ay naririnig niya naman ang mga daing nito at ang mga tunog ng dagang kumakain dito.
Gaano man kagaling maglutas ang isang tao, 'pag nakita nito ang nangyari kay Mo Xuan Fei, paniguradong hindi ito mangangahas na salungatin siya at pagdaanan ang parehong sitwasyon.
"Sa nakikita ko ay mahal ni Bai Yun Xian ang kaniyang buhay. Normal na mag-isip siyang magsumbong at bawiin ang mga sinabi nito. Pero bago niya gawin iyon, siguraduhin niya munang kayang gumawa ng Qing Yun Clan ng antidote para sa lason." Napaangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie at nakapatong ang baba sa kaniyang isang kamay. Nakatingin ito sa kumboy na papalayo sa kaniyang paningin.
"Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako sinabihang palayain si Mo Xuan Fei, gawin siyan Royal Duke at patirahin siya sa Imperial Palace? Para hayaan si Bai Yun Xian na gamitin si Mo Xuan Fei bilang guinea pig sa mga taga Qing Yun Clan? Para malaman kung kaya ba ng mga itong gawan ng lunas ang lason?" Tanong ni Mo Qian Yuan na nabibighani sa metikulosang plano ni Jun Wu Xie. Dalawang araw ang nakaraan, hindi lang pinalaya ni Jun Wu Xie si Bai Yun Xian, pinalabas niya din si Mo Xuan Fei na para nang patay at inilagay sa palasyong dati nitong tinirhan.
Hindi ito naintindihan ni Mo Qian Yuan nung una. Ngayon ay malinaw na sa kaniya ang lahat. Ang pinagdadaanan ni Mo Xuan Fei ngayon ay sinadya para takutin si Bai Yun Xian.
"At sigurado kang ang mga taga Qing Yun Clan ay hindi makakagawa ng gamot para kontrahin ang lason?" Maingat na tanong ni Mo Qian Yuan.
Iyon ang importante para manatiling tahimik si Bai Yun Xian.
"Sa kanilang kapasidad?" Malamig na tanong ni Jun Wu Xie. Nasagot niya na ito sa tanong niyang iyon.
"Sapat na ang iyong salita! Ang mga karwahe ng Qing Yun Clan ay malapit nang makarating sa Imperial Palace. Ang Emperor ay dapat nang mag-ayos para i-'welcome' ang ating mga bisita. Kahit na ito ay Emperor na. Ni minsan ay hindi ito nagyabang kay Jun Wu Xie.
Malumanay na ikinaway naman ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay bago tuluyang umalis si Mo Qian Yuan. Si Long Qi ay nakabantay sa baba at nang makita niyang paalis na si Mo Qian Yuan ay saka ito umakyat.
"May nakita ka bang kakaiba?" Tanong ni Jun Wu Xie.
Sumagot naman si Long Qi: "Ang mga kutsero ay regular na tao lang, ang mga pasahero sa loob ay hindi ipinakita ang kanilang mga sarili. Ngunit sa isa sa mga karwaheng dumaan, may nakita akong isang dalaga sa bintana non."
"Ang anak ng Qing Yun Clan Sovereign?" Napataas ang kilay ni Jun Wu Xie sa pagkalibang.
"Ang iyong katulong, hindi ako sigurado."
"Sundan mo sila. Huwag kang masyadong lumapit at huwag ka ring magpapakita."