webnovel

Simula ng Palabas (4)

Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang saglit na panahon, dinala na si Bai Yun Xian sa pangunahing bulwagan. Sinabi ni Mo Xuan Fei ang mga pangyayari at ito'y ikinagulat niyang malaman na hindi nagtagumpay ang kanyang planong ni hindi pa nasisimulan

"Hindi ito posible…" Sabi ni Bai Yun Xian. "Ang lason na yun na itinuro sakin ng panginoon ko, sa buong lupain, tanging ang nakatatanda, ang panginoon ko, at ang kanyang mga disipulo lamang ang may alam kung paano gawin ang panremedyo

Nagkatinginan si Mo Xuan Fei at ang emperador sa sinabi ni Bai Yun Xian, ang kanilang mga mukha'y nagpapakita ng pangiwi.

Ang gamot ng Qing Yun Clan ay pinuri sa buong lupain sa pagligtas ng hindi mabilang na mga buhay at nakatulong sa napakaraming tao. Sila ang pinakaginagalang na Qing Yun Clan bilang banal na lugar ng paghilom. Sa likod nito, ang Qing Yun Clan ang nagtuturo tungkol sa napakadelikadong lason sa kanilang mga disipolo?

Hindi na sila nagsalita pa at hindi na rin nila kwinestyon si Bai Yun Xian.

"Malamang may inarkila si Jun Wu Xie na isang taong may katangi-tanging talento para masolusyunan ang krisis. Kasama niya ngayon si Mo Qian Yuan, pinapangunahan ang Rui Lin Army papasok sa Palasyo para harapin ka. Yun Xian, wag kang magalala, gagawin ko ang lahat para protektahan ka." Hinawakan ni Mo Xuan Fei ang mga kamay ni Bai Yun Xian, mga mata'y nagpapakita ng pagmamahal.

"Hayaan mo siya, kung kaya niya! Gusto ko makita kung ano ang kaya niyang gawin sakin. Nakarating na ng paruparo ng Min ang Qing Yun Clan at nagpadala na ang panginoon ko ng mga kawal papunta dito. Subukan niya lang na hawakan kahit isang hibla ng buhok ko, hindi siya mapapatawad ng panginoon ko." Tumawa si Bia Yun Xian. "May intensyon na akong harapin ang problema dito bago pa man makarating ang kawal na ipinadala ng panginoon ko. Kahit na hindi nagtagumpay ang plano natin sa lason, dadating parin ang Qing Yun Clan."

Sa galit ni Bai Yun Xian, hindi niya napansin ang patagong ngiti ng emperador at ni Mo Xuan Fei.

Ang pagtulak sa harap ni Bai Yun Xian ang pinakamagandang kilos na maari nilang magawa sa ngayon.

"Ang mangmang ay walang alam na takot." Isang malamig na boses ang kanilang narinig sa pinto ng pangunahing bulwagan at silang tatlo ay napatingin.

Nakita nila si Jun Wu Xie, nakatayo sa may pintuan kasama si Mo Qian Yuan sa kanyang tabi. Napatumba ng Rui Lin Army ang buong Yu Lin Army ng walang kaingay ingay!

Hindi nakapagsalita sa takot at gulat ang emperador. Ang mga malamig na mata ni Jun Wu Xie ay nagpanginig at nagpakilabot sakanya na tagos sa kanyang mga buto. Hindi siya makatingin sakanila, at siya'y nanliit sa kanyang trono.

"Imperial Father." Bati ni ni Mo Qian Yuan ng may paggalang, habang siya'y naglakad papasok sa bulwagan kasama si Jun Wu Xie.

Nang makita ni Bai Yun Xian si Jun Wu Xie, nanggalaiti siya. Kung di dahil sa kamay ni Mo Xuan Fei na nakakapit sa kanya, nilapitan nya na sana ito't sinampal ng dalawang beses.

"Nandito k.ka…" Ang boses niya'y nawalan ng kapangyarihan, at maririnig ang kaunting pagkatakot. Nang marinig ng emperador ang sarili niyang boses, agad niya itong inayos ito at idineretso ang kanyang emosyon.

"Ama, nandito ako para mag-ulat sayo na merong traydor sa loob ng Yu Lin Army na may intensyong manakit ng mga tao. Ako, ang anak mong nagalala sa kaligtasan mo, ay nagkusang dalhin ang hukbo sa loob ng Kaharian. Hindi ako hihingi ng iyong kapatawaran, pero hayaan niyo akong ipakilala sai nyo ang traydor na gumamit ng lason para sirain ang kaharian ng Qi at pahirapan ang mga inosente. Pag naparusahan ko na ang traydor, ako na ang lalapit sayo, aking ama, para maparusahan mo kahit paano mo gusto." Lumuhod si Mo Qian Yuan, ang kanyang boses ay malinaw na maririnig sa buong bulwagan.

Pinilit ng emperador na ngumiti, "Parusahan ko kung paano ko gusto?" mga salitang walang laman! Sa pamumuno ng napakalaking hukbo ni Mo Qian Yuan, tulad ng Rui Lin Army, sa loob ng Palasyo, pano niya, kahit siya'y emperador, mapaparusahan ito?!

Next chapter