Tila gumuho ang mundo ng Emperador at ni Mo Xuan Fei.
Ipaalam sa Qing Yun Clan?
Ang layo pa nang Qing Yun Clan sa kaharian ng Qi. Gaano katagal pa sila maghihinitay?
Kung makahingi sila ng tulong sa malalapit na kampamyento, ilang araw lang at may dagdag na kawal na sila. Ngayon, manggagaling lamang ang tulong mula sa Qing Yun Clan na walong daang milya ang layo.
Gaano katagal ang kanilang biyahe?
Sa mga panahon na iyon, anong mga kalupitan pa ang magagawa ni Jun Wu Xie sa atin?!
"Yun Xian! Hindi naman tama na abalahin pa natin ang Qing Yun Clan sa maliit na bagay. Bilang bisita ng kaharian ng Qi, kami na ang bahalang magayos ng problemang ito." Nataranta si Mo Xuan Fei. Baka sa panahon ng pagdating ng angkan ng Qing Yun, lahat sila'y patay na.
"Hindi nakakapagsalita ang Paru-paro ng Min at ang master ko lang ang makakaintindi ng mensaheng pinadala ko mula sa aking paru-paro. Kapag sa kampamyento ko ito ipinadala, walang makakaitindi." Sumagot si Bai Yun Xian.
Naalala ni Mo Xuan Fei na ang mga espiritu ay nakakausap lamang ng mga may ari, at hindi kung sino sino. Napakuhot ang kanyang mga balikat.
Sa isang sandali, akala niya'y maliligtas na sila ngunit ang kanilang mga pagkakataong manalo ay tila imposible na.
Nang makita ni Bai Yun Xian ang pagkadismaya ni Mo Xuan fei, napakunot ang kanyang mga kilay. "Mabilis ang paru-paro ng Min. Magpapadala ang master ko ng tulong sa loob ng dalawang linggo, kung walang mangyaring kumplikasyon."
Sa layo ng panggagalingan nila, mabilis ang dalawang linggo!
"Ngunit sa katapatan ng hukbo kay Jun Wu Xie, pag kumilos siya…" Takot na takot si Mo Xuan Fei dahil nakita niya ang madugong pagpatay ni Jun Wu Xie.
"Akala niya kaya niya akong saktan? Kumuha ka ng mga kawal na maghanda nito, alam ko paano ito patagalin." Nanlisik ang mga mata ni Bai Yun Xian.
"Anong gagawin mo?" Hindi pa nakita ni Mo Xuan Fei si Bai Yun Xian ng ganito. Naramdaman niya ang isang malamig na pangangamba.
Napangiti si Bai Yun Xian ng may malisya, ang kanyang mga mata'y di nagtatago ng kanyang bangis.
"Sabi mo kinalat ni Jun Wu Xie ang kanyang mga sundalo sa loob ng Imperial City? Kung kaya kong hindi pagalawin ang Rui Lin Army, hindi ba't walang kwenta na ang isang daang libong kawal? Wag mong kalimutan, ang lason na binigay mo kay Lin Yue Yang ay nanggaling sakin."
Nagulat si Mo Xuan Fei. Para makuha si Jun Xian, pumunta siya kay Bai Yun Xian para sa lason. Una'y sinisira nito ang ulo, dinadala ang nakainom sa kabaliwan at unti-unting ipinapasok ang lason sa katawan, hinihimok ang biktimang kumain ng kumain hanggang sa sumabog. Ang natitirang lason ay napapawi sa hangin pagkatapos sumabog, na kung sino man ang makaamoy ay nanghihina.
Ang ganitong klaseng lason ay hindi pa naririnig at kinailangang subukan ni Mo Xuan Fei sa ibang tao para malaman kung totoo nga ang sinasabing epekto bago ibigay kay Lin Yue Yang.
At dahil sa lason na iyon nakuha nila si Jun Xian ng napakadali.
Gayunpaman, napakalakas ng lason na ito at kahit si Mo Xuan Fei at kinikilabutan siya sa epekto nito.
Nakikita na ni Mo Xuan Fei ang pinaplano ni Bai Yun Xian. "Yun Xian, ang plano mo ay lasunin ang isang daang libong sundalo ng hukbo?" Tanong ni Mo Xuan Fei ng may masigasig na pagtingin.
Ngumiti si Bai Yun Xian. "Napakadali. Gumagamit ang Qing Yun Clan ng lason ng parang gumagamit lamang sila ng gamot.