Tumango ang Emperador, at sa pagkakataong iyon, dumating ang Bating na may dalang balita, matapos basahin ang balumbon, namutla ang Emperador.
"Ang lakas ng loob nitong Jun Wu Xie!!!" Nanggigil siya hanggang sa mamutla ang kanyang kamao.
"Ama, ano ang nangyari?" Nagulat si Mo Xuan Fei sa nangyari.
Binato ng Emperador ang balumbon kay Mo Xuan Fei, linalabas ang kanyang galit. Nahirapan siyang saluhin ito at namutla rin siya nang basahin ang mga nilalaman.
"Ta… Talagang sinarado niya ang buong kaharian? Ano nanaman ang balak niya?!"
"Ano ang balak niya? Ah! Gusto talaga akong alisin ng dalagang 'yan! Parang ang hukbo na ang may hawak sa kaharian, at hindi ko rin maipasok ang mga sundalo ko para bantayan ako! Malinaw na gusto niya akong bumaba sa aking trono! Wala talaga siyang puso!" Tila may tali sa leeg ng Emperador na hawak ni Jun Wu Xie at dahan-dahan niya itong hinihigpitan, at unti-unting nawawalan ng hininga ang Emperador.
"Kaya pala niya inimbitahan ang Prinsipe sa Palasyo ng Lin, dahil naisip niya na baka patayin ko siya pag nalaman ko ang balak niyang gawin. Kapag walang aakyat sa trono, hindi niya ito magagawa." Nang isipin kung gaano kalalim ang mga plano niya, gusto talagang sumuka ng Emperador ng dugo!
Namuti na tila papel ang mukha ni Mo Xuan Fei, hindi niya inakalang kayang gawin ni Jun Wu Xie ang ipitin sila.
Paano niya ito nagawa? Ano bang nasa isip niya? Paano niya naiisip ang mga planong ito?
"A..anong dapat nating gawin? Hindi naman natin pwedeng ibigay ang gusto niya, nang hindi lumalaban, diba?" Natakot si Mo Xuan Fei, nabulok na ang relasyon nila ni Jun Wu Xie, dahil iniwan niya siya. Kung may balak siya sa trono, wala siyang takas dito at madadamay siya.
"Huminahon ka! Hindi masusunod ang mga gusto niya, magpadala ka ng mga tauhan natin sa labas ng kaharian sa ilalim ng gabi." Puno ng malisya ang mga mata ng Emperador, at umaapaw ang kanyang galit
Nakalutang ang buwan sa langit at may malamig na hanging dumaloy papasok sa silid. Nakatayo ang Emperador at nanonood sa buwang malalim ang iniisip. May mga gumagalaw sa may pinto at may pumasok na bating na may dalang balita: Ang lahat ng pinadala niya ay nawalan ng ulo, wala ni isa ang nakalabas.
"Lahat sila ay mayroong halimaw na contractual spirit!" Kumirot ang puso ng Emperador sa narinig niyang balita.
Hindi niya inakalang agad silang mauubos, dahil sinigurado niyang mukha lamang silang dukha, hindi niya naisip na papatay ang hukbo ng mga dukha.
Hindi ba sila takot sa galit ng mga mamamayan?
Subalit, kahit ano pang halimaw ang dala nila, mapa-lumilipad o naglalakad, walang awa silang pinabagsak ng hukbo.
Naguluhan ang Emperador sa kanyang pag-iisip, malamig na pawis sa kanyang noo.
Walang pwedeng lumabas sa kahariang sinarado nila, at wala siyang paraan para humingi ng tulong mula sa labas!
"Dali! Sunduin mo si Bai Yun Xuan!" Sinabi ng Emperador, naalala niyang mayroon pa siyang diskarte.
Anuman ang mangyari, punong disipulo parin si Bai Yun Xian ng angkan ng Qing Yun at wala siyang lakas ng loob na subukin sila. Umaasa siya sa kanilang impluwensya, si Bai Yun Xian ang kanyang nakatagong armas! Siya lang ang may kapangyarihang baligtarin ang sitwasyon!
Dinala siya ni Mo Xuan Fei sa silid.
Nangingitim ang kanyang mukha, dahil sa paggising sa gitna ng gabi, masama ang loob niya. May away sila ni Mo Xuan Fei at pinilit pa siya nitong umalis mula sa kanyang pagtulog!
"Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyayari na kailangan ninyo agad ako?"
"Binibining Bai, wala nang oras, kailangan ko ang iyong grasya, tulong, patungkol sa ilang mga bagay." Huminahon ang Emperador at ngumiti sa kanya.
Medyo nagulat si Bai Yun Xian, maaga siyang natulog at hindi alam ang mga pangyayari sa Kaharian ng Qi.