Nakapila ang mga opisyal na nakaluhod sa harap ng pader at nang makita ang Emperador ay nagsimulang sumigaw, nakatitiyak na ililigtas sila nito.
Ngunit nang makita nila ang mga bangkay na nakalatag sa lupa at makilala kung sino ang mga ito, nawalan ng pag-asa ang kanilang mga puso!
Nanahimik ang mga opisyal, kahit si Wu Wang at Wei Qun Hua ay hindi nakatakas mula sa patalim, sino ba sila para umasa?
Sa unang pagkakataon sa kanilang mga buhay, ang mga matataas na opisyal ay nakaramdam ng paparating na hatol.
"Jun Wu Xie, bakit mo sila dinala dito?" Tinanong ng Emperador nang nanginginig ang boses. Akala niya, ang makita ang pagpatay kay Wu Wang at sa kanyang biyenan lang ang kanyang kaya. Ang makita ang mga opisyal na nakaluhod sa harap ng palasyo ay nakapagpasama sa kanyang pakiramdam, at nahihirapan na siyang tumayo.
Sinuri niya ang mga mukha ng mga opisyal. Lahat maliban sa isa, ay kalaban ng Palasyo ng Lin na nambastos sa kanilang pangalan o sumubok na sila'y siraan.
Wala siyang tinira. Wala siyang maling hinuli.
Hinuli ng hukbo ang mga opisyal sa loob ng Bayang Imperyal na nagbalak laban sa pamilya ng Jun, sa isang gabi!
Ang malamig na kapit ng takot ay gumapang papasok sa puso ng Emperador, at habang siya'y nakatingin sa malamig at malupit na mga mata ni Jun Wu Xie, humuhigpit ang kapit na ito.
Ang sira ulong ito ay kayang gumawa ng kahit ano!
"Hayaan mo silang magbasa." Binato ni Jun Wu Xie ang bayong sa sahig sa harap ng mga opisyal, at kumalat ang mga balumbon.
Inutusan ni Long Qi ang hukbo na iabot ang mga balumbon sa mga opisyal, at ipabasa sa kanila ang mga ito.
Namutla sila at nanginig, nabalutan ng takot.
"Basahin niyo!" Sinigaw ni Jun Wu Xie, ang kanyang boses, puno ng malisya.
Dahan-dahang lumabas ang espada ni Long Qi mula sa saha nito at dumikit sa leeg ng opisyal na nasa kanan. Mangiyak-ngiyak siya at sa nanginginig na boses, binasa: "Liu Pu… Kai… Kai Yuan taong labing...labing-tatlo, di…..dinukot ang isang babae, p….pinatay ang pamilya…."
Ang boses, kahit nanginginig, ay may sapat na lakas buhat ng patalim sa kanyang leeg. at narinig ng lahat ng naroroon.
Pinawisan siya ng husto sa lamig ng gabi habang binabasa ng malakas ang balumbon hanggang matapos ito, at bumagsak sa sahig nang paguran.
"Patayin." Mahinhin na inutos ni Jun Wu Xie.
"Maawa kayo! Hindi ko ….." Ang opisyal na Liu Pu na nakaluhod sa gitna ay nagsimulang magmakaawa bago siya pigilan ng sundalo ng hukbo na nakatayo sa kanyang likod gamit ang isang mabilis at malinis na iwa ng kanyang espada.
Ang madugong ulo ay gumulong, at may nabuong matingkad na pulang buntot.
Sumukot ang lahat ng opisyal sa takot nang makita lahat ng nangyari, ang katakutan ng mga balumbong nakalatag sa harap nila ay mas lumala nang malamang nakalista ang kanilang mga nakaraang krimen ng nakadetalye, at kung sila na ba ang susunod na magbabasa.
Nakalutang ang kamatayan sa taas ng kanilang ulo, sa bawat isang nakaluhod sa harapan ng Palasyo. Walang ititira si Jun Wu Xie ni isa sa kanila!
Ang sabihin ang nilalamang mga huli nilang krimen sa mga balumbon ang kanilang mga huling salitang masasabi.
"Mahal na Hari! Iligtas niyo kami!"
"Mahal na Hari!"
Umiyak sila, nagmakaawa, ang mga matataas na opisyal ay dumulog sa Emperador para mamagitan at magpakita ng kabaitang-loob habang sila'y nakaluhod sa malamig na lupa.
"Jun Wu Xie! Para sa mga krimeng ito, iimbestigahan ka at may titiyakin na mapaparusahan ka ng mga awtoridad! Sino ka para gawin ang mga ito?" Sumigaw si Mo Xuan Fei, hindi na mapigilan ang kanyang sarili, tumatalon sa galit, dinuduro-duro si Jun Wu Xie.
Tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang tingin at sumagot na parang wala lang: "Sumusunod lang ako sa mgautos."
"Kalokohan! Utos nino!?"
"Ang Anak ng Langit, ang Emperador."
"Sinungaling!" Nais na durugin ni Mo Xuan Fei si Jun Wu Xie.
Kalmadong sumagot si Jun Wu Xie: "May kinalaman ang mga ito sa atake sa into, mahal na prinsipe, at binigyan ang Palasyo ng Lin ng kapangyarihan para lutasin ang nangyari."
Kaya, pumapatay lang siya ayon sa mga utos na iyon.
Diba?