"Ang tableta ng Jade Dew ay eksklusibo at mahigpit na binabantayan ng aming angkan. Ayon sa panahong kailangan para maihanda ang tableta, mali na ito. Para maayos ang tableta ng Jade Dew, kailangan ng tatlo hanggang limang araw. Kalahating araw lang ang iyong ginamit ngunit may lakas ka ng loob para sabihing maayos na iyan?" Mukha ba akong batang madaling lokohin?" Tumawa si Bai Yun Xian, hindi siya naniniwalang ang nilalaman ng losang bote ay ang tableta ng Jade Dew.
Ang paraan ng pagdalisay ng tabletang ito ay makikita lang sa angkan ng Qing Yun, hindi alam ng iba na mahabang panahon ang kailangan para sa isang tableta. Ang babaeng ito galing sa Palasyo ng Lin ay nagtangkang mag-tipon ng iba't ibang mga gamot, at angkinin na ito ay tunay na tableta ng Jade Dew. Pag hinayaan siyang ipagpatuloy ang pangungutyang ito, magiging malaki itong biro.
"Tatlo hanggang limang araw?" Tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang mga kilay at tumingin kay Bai Yun Xian ng may pagmamaliit na tila naghahamon.
Umirap si Bai Yun Xian.
"Bakit hindi ka magsabi ng magpapatunay."
Pagkatapos ng lahat ng pagsasalita, hindi ba't mapapatunayan ng katotohanan ang kanyang sarili?
"Hindi na kailangan iyon." Natawa si Bai Yun Xian at tinaas ang bote ng may balak na ihagis ito.
Mabilis na tumayo si Mo Qian Yuan ng may mga matang walang tinag, "Binibining Bai, bakit ka nagmamadali? Kailangan lang nating mapatunayan ang mga nilalaman ng bote. Maliban na lamang kung nag-aalala kang hindi mo makikilala ang tableta ng Jade Dew?" Patagong sinarado ni Mo Qian Yuan ng mahigpit ang kanyang mga kamay sa loob ng kanyang mga manggas. Matapos marinig ang ang panahong kailangan para idalisay ang tableta ng Jade Dew, naguluhan ang isip niya.
Subalit nang makita niya na kalmado si Jun Wu Xie, hindi niya maintindihan kung bakit nakalma rin siya.
Ang kanyang mukha ay tahimik at hindi natinag sa mga sinabi ni Bai Yun Xian.
Kailangan niyang maniwala kay Jun, sinabi niya sa sarili niya.
Ang walang pasubaling pagtitiwala ni Mo Qian Yuan kay Jun Wu Xie ang nagtulak sa kanya para pilitin si Bai Yun Xian na patunayan nga ang mga laman ito.
Oo, napilitan siya.
"Panginoon, ano ang ibig-sabihin mo?" Patuloy na pumangit ang mukha ni Bai Yun Xian.
"Siguro naman, alam ni Binibining Bai kung totoo nga ba ang tableta ng angkan ng Qing Yun, at ikaw naman ay isang matinong tao. Kahit na ang mga nahaing tableta ni Jun Wu Xie ay tabletang Jade Dew, kapag hindi mo pinatunayan ito, baka magkalat ang mga pagdududa kung kaya mo nga bang patunayan kung totoo ang mga tabeta o hindi? Baka isipin ng iba na gusto mo lang sirain ang ebidensiya?" Tinuloy ni Mo Qian Yuan ang kanyang pagtutulak kay Bai Yun Xian.
Hindi aatras si Bai Yun Xian. Kapag hindi niya napatunayan ang gawa nito, hindi ba't magwawala ang imahinasyon nila at maiisip nila ang mga walang katotohanang iyon?
"Determinado kayong ipaglaban si Jun Wu Xie? Kung gayun, gagawin ko ang inyong hiling. Subalit, kapag hindi totoo ang mga tabletang kanyang ginawa, kayo rin ay aako sa kasalanang paglapastangan sa aking angkang Qing Yun." Sumagot si Bai Yun Xian.
"Sige." Hindi na aatras si Mo Qian Yuan.
Palihim na umirap si Mo Xuan Fei, hindi sa wala siyang ginawa para kay Mo Qian Yuan, liniligawan lamang niya ang sarili niyang kamatayan.
Kahit na may kapangyarihan man ang prinsipeng tagapamana o wala, hindi siya pwedeng hawakan ni Mo Xuan Fei at ng Emperador dahil sa kanilang reputasyon. Ngayong binastos niya ang angkan ng Qing Yun, hindi na nila kailangang dumihan ang kanilang kamay at hahayaan nalang ang angkan ng Qing Yun sa pagdurog sa kanya.
Mo Qian Yuan, wala nang pag-asa sa'yo. Binastos mo si Bai Yun Xian para sa babaeng ito?