webnovel

HUWAG MO AKONG ABALAHIN (3)

Editor: LiberReverieGroup

Napilitang tumayo si Jun Wu Yao at walang siglang tiningnan si Jun Wu Xie na umiiwas sa kaniya. Sinapo niya ang kaniyang leeg at ang dugo ay umagos sa kaniyang kamay. Wala sa anyo niya na siya ay nababahala dahil dito.

"Parang kasalanan ko nanaman na nakaamoy ka ng dugo. Aalis na muna ako." pilit siyang ngumiti at napabuntong hininga. Tumalikod na siya para lumabas sa kwarto.

Pagkalabas sa kwarto ni Jun Wu Xie, nawala ang kaniyang pilit na ngiti. Nang hawakan niya ulit ang kaniyang leeg, kumislap ang bagay sa kaniyang leeg at nahulog sa kaniyang kamay ang apat na karayom.

"Panginoon!" Isang anino ng lalake ang lumabas galing sa kung saan. Ito ay nakaluhod sa tabi ni Jun Wu Yao.

"Nasaktan ka!" Naamoy nito ang dugo at nagulat nang malamang galing ito sa kaniyang Panginoon.

Sa ganitong lugar, hindi niya akalain na may kayang manakit dito.

"Nasaktan? Makakasakit ba ito saakin?" Sinulyapan nito ang apat na karayom na nasa kaniyang palad na may bahid pa ng kaniyang dugo. Hindi na itim ang kaniyang mga mata kundi ay kulay lila na ito.

Pero ito ay marka ng 'kagat' ng isang maliit na babae kaya naman ay pinagwalang bahala niya na ito.

"Nakita mo na ba ang taong pinapahanap ko?" Malamig na tanong ni Jun Wu Yao.

"Handa na ang lahat."

"Ah, ang grupo ng matatandang 'yon ay gusto akong ikulong doon? Nananaginip ba sila? Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang araw na yon." Nakangisi niyang sabi at muli ay sinulyapan ang mga karayom sa kaniyang palad.

Kailanman ay hindi niya naranasan ang tanggihan ni Jun Wu Xie o ang makipag-away dito. Pero ngayon ngayon lang ay nakitaan niya ito ng kakaibang anyo sa mukha. Malayo sa malamig at walang ekspresyon na mukha nito. Ang mga mata nito ay bukod tangi, para bang mas mahal pa sa mga hiyas dito sa mundo.

Gustong-gusto niya ang mga matang iyon...Ngunit, kung mawawala ito dito, mawawala ang ganda nito. Ang mga matang iyon ay para lamang talaga sa kaniya. Sa kaniya lamang nababagay.

"Paanong gusto ka nilang kalabanin?" Bulong ng anino, ang kaniyang boses ay punong puno ng paghanga at pagsamba.

"Hayaan mo silang panandaliang magsaya. Pag dinurog ko sila, hindi ba't mas nakakatuwa 'yon?" Mas mataas ang kanilang aakyatin, mas masakit ang kanilang pagbagsak. Nanlilisik ang mga tingin ni Jun Wu Yao.

"Oo!" Mataimtim namang sagot ng anino.

"Sa ngayon, mananatili muna ako dito. Kung may sasabihin ka, sadyain mo akong puntahan dito." Utos ni Jun Wu Yao.

"Masusunod po!"

"Nga pala." Biglang may naalala si Jun Wu Yao.

"Bukas ay bumalik ka at magdala ka ng Jade Moon."

Saglit na nabigla ang anino. Kahit na hindi niya alam kung bakit ipinag-uutos ng kaniyang panginoon na kumuha ng wine, agad siyang sumagot, "Opo!"

"Jade Nectar...hmmm?" Nag-iisip si Jun Wu Yao habang nanlilisik ang mga mata nito. Wala sa kaniya ang magpunta sa palasyo para mapatay ang pakialamerong Crown Prince.

Nakaluhod lamang na naghihintay ang anino sa kaniyang tabi. Hindi niya na inisip pa kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang panginoon. Ang alam lang niya ay dapat niyang sundin ang ipinag-uutos nito.

Makalipas ang ilang sandali ay umalis na si Jun Wu Yao. At naglaho na din ang anino.

Sa kwarto ni Jun Wu Xie, nakasimangot siyang nililinis ang kaniyang mga kamay ng paulit ulit. Tumigil lamang siya at tumungo sa lamesa ng masiguradong wala na ang amoy ng dugo dito.

Nakatayo lamang si Little Lotus sa isang tabi at nakatitig sa berdeng-berdeng bead. Nilalaro niya ito sa kaniyang mga daliri at itinapat sa buwan at sinuri ito.

"Masakit pa ba?" tanong ni Jun Wu Xie.

Saglit na natigilan si Little Lotus pagkatapos ay kinusot nito ang kaniyang maliit na noo, "Hindi na masakit." Matamis itong ngumiti. Kanina, nang tanggalin ni Jun Wu Yao ang itim na bagay na iyon, ang sakit na nararamdaman niya ay biglang nawala. Dahil dito naguluhan siya kung talaga bang sinaktan siya ng taong iyon.

Next chapter