webnovel

Pagdiriwang ng Kaarawan (Pangatlong Bahagi)

Editor: LiberReverieGroup

Huwag kayong mag-alala, lolo. May mga sinabi kayong mga bagay na naisip na rin ng panginoon. Bukas, may ibibigay ako kay tito, hindi ito magiging delikado para sa kanya, matatago lang ang kanyang tunay na kalagayan at makikita ng iba ang kalagayan niya na tila nakakapit nalang sa sinulid ng buhay." Naisip na niya ito dati at naghanda na ng mga tableta para sa kaganapang hindi inaakala.

Natuwa si Jun Xian at Jun Qing sa pananaw ng kanyang panginoon at sa kanyang paghahanda.

Mukhang determinado ang kanyang amo sa pagtulong sa kanyang pamilya.

Sa panahong ito ng pagpapagaling, hindi lang ang paggamit sa kanyang dalawang binti ang bumalik kay Jun Qing. Lumakas rin ang kanyang buong katawan at nakondisyon mula sa loob palabas. Gumanda naman ang kalusugan ni Jun Xian. Ang kanyang buong katawan ay naging mas matipuno, mas matalas at malinaw ang kanyang isip. Ito ang pinakamataas na kalagayan ng kanyang katawan.

"Malaki na ang naitulong ng iyong amo sa Palasyo ng Lin. Hinding hindi namin siya makakalimutan." Nagbuntong-hininga si Jun Xian, marami nang nagawa ang kanyang amo para sa kanilang pamilya pero hindi pa ito nagpapakita o humihingi ng kapalit.

"Wala siyang pake." Yumuko si Jun Wu Xie habang hawak ang maliit na itim na pusa.

Ang magagawa nalang niya ay ang palakasin si Jun Xian at Jun Qing. Subalit hindi pa sapat ang lahat ng ito, gusto rin niyang lumakas, magkaroon ng sapat na lakas para burahin ang kaniyang mga kaaway sa mundong ito.

Sumikat ang araw at ang lahat ng tahanan ay naghahanda parin para sa salu-salo sa gabi. Nasuklayan ang mga kabayo, nakinisan ang mga karwahe, labis-labis na mga damit ang hinahanda at habang palubog na ang araw, ang mga daan ng buong Imperyal na Bayan ay napupuno ng mga mararangyang mga karwahe, lahat, patungo sa Imperyal na Palasyo. Sa loob ng mga karwahe, ang mga ministro at ang kanilang mga dalang kayamanan, ay nagtitipon ngayon para ipagdiwang ang kaarawan ng Panganay na Prinsipe.

Maringal na dumating sa pasukan ng palasyo. Nakaupo si Long Qi sa labas ng karwahe at tinignan ng malamig ang paparating na karwahe sa kanilang tabi.

Nakahabol sa kanila ang mabulagsak na karwahe ni Wu Wang. Maririnig ang mga kristal habang linabas ni Wu Wang ang kanyang ulo sa kurtinang may mga butil ng kristal.

"Nandito pala si Lin Wang? Grabeng panaon!" Inirap niya gamit ang kanyang bilugang mukha at nagbigay ng malagkit na ngiti.

Tinabi ni Jun Xian ang kurtina ng kanyang karwahe at tumango.

Nang nakita ni Wu Wang ang dalawa pang miyembro ng pamilya ng Jun, mas napangiti ito.

"Nagpunta talaga ang munting kamahalan at si Wu Xie? Grabe, magiging masigla talaga, oh, pero kaya pa ba ng munting kamahalan? Hayaan mo Lin Wang, base sa ating kalapitan, nasabihan ko na ang mga lingkod na bantayan ka sa salu-salo, wala nang kailangang alalahanin!"

"Salamat sa iyong pag-aayos." Sinabi ni Jun Xian, mahigpit ang kamao, at binaba ang kurtina, hindi na masikmura ang mukhang nasa kabila.

"Oh!" Natuwang bumalik si Wu Wang sa kanyang karwahe at nagingay ang mga butil ng kristal.

Sa loob ng karwahe, tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo at nagtanong, "Anong basura ang nakain ng taong iyon? Ang dumi ng kanyang bunganga."

"Kapatid siya ng hari — Wu Wang, wala siyang kakayanan kaya umaasa siya sa kanyang relasyon sa hari para magawa ang mga gusto niya. Hindi niya ginagamit ang kanyang utak, wag mo na siyang isipin, hindi siya mahalaga. Tandaan mo na ang totoong mapanganib ay ang mga nagtatago ng kanilang poot at sasaksakin ka sa likuran mo kung kailan hindi mo aasahan." Nagaalala si Jun Qing kay Jun Wu Xie dahil bata pa siya at wala pang malay sa realidad ng mundo.

Nais lamang niya siyang ilayo mula sa lahat ng peligro kung kaya niya, mula sa malamig at mapanlinlang na mundo.

Next chapter