webnovel

Wasak-wasak na mga Libro (Pangatlong Bahagi)

Editor: LiberReverieGroup

Nag-atubili siya ng saglit pero nasabi rin, "Sandali."

Dahan-dahang lumingon ang gusgusing binata ng may tinging walang interes at sinabing, "Pasensya na ho talaga, wala po akong gamit sa mga elixir…"

"Alam ko." Tumango si Jun Wu Xie. Malaki ang pagkakaiba ng kanyang reaksyon.

"Gusto ko lamang malaman kung may alam kang pwesto dito na tumatanggap ng elixir para sa mga hinihingi mo?" Tinanong niya ng deretso.

Tinignan siya ng binatang nag-aalangan at hawak ang kanyang ilong at sinabing, "Merong nagtitinda ng Eastern Pearls para sa mga elixir, yung nga lang… yung mga gusto niyang elixir ay medyo… Sa totoo lang, baka wala kang madadala na magugustuhan niya."

Ang maginoong binata sa kanyang harapan ay mukhang maselan at ayaw sana niyang siraan ng pag-asa at mapahiya sa harap ng maraming tao. Kahit na madalang ang mga bata sa Bayang Naulog, sa murang edad, ano kayang klaseng mga elixir ang meron siya para ipalit sa Eastern Pearls?

"Dalhin mo ako doon." Biglaang sinabi ni Jun Wu Xie.

Dilat siyang tinignan ng gusgusing binata at napatingin sa kanyang pwestong walang laman.

"Pag matagumpay ang palitan, maliban sa apat na Eastern Pearls na hinihingi mo, bibigyan kita ng isang bote ng elixir." Nakita ni Jun Wu Xie ang pangangamba ng binata at ninais na niyang matapos ang lahat ng ito.

"Ayaw ko talaga ng elixir mo… Pag gusto ko ng elixir, hindi ako magpupunta dito…" Binulong niya sa kanyang sarili. Tinignan niya si Jun Wu Xie at hindi maintindihan ang kanyang nararamdaman.

Parang may kakaiba dito sa binatang nasa harapan niya. Ang pagkamahinahong kanyang ipinapakita ay iba sa mga nakita niya sa Bayang Naulog. Kadalasan, kapag may mga panginoong galing sa malalaking pangalan ang dumadayo, mayroong maraming taong nakabuntot sa kanila. Subalit, ang binatang ito, may pagkamahinahing madalang nalang nakikita.

"Sige na nga, sasamahan kita sa lugar ng matandang iyon. Sa tagal ko na ring nandito, ikaw palang ang nag-aalok sa akin ng kahit ano." Sinabi niya habang pawala ang kanyang pangangamba.

Kumpara sa pwesto ng gusgusing binata, punong-puno ng tao ang pwesto ng matandang nagbebenta ng Eastern Pearls dahil sa mga nakahilerang mga panindang kayamanan.

May siiyam na makikinang na perlas na nakalagay sa loob ng isang velvet na kahon. Binabalot nila ang mga Eastern Pearls na tila kumikislap at bumubusilak. Maliban sa Eastern Pearls marami pang tinitindang Spiritual Gems na iba't ibang grado.

Pagkatapos maitatag ng contractual spirit ang bond sa kanilang panginoon at nakabuo ng singsing, ang mga gems at perlas na ito ay mahuhusay na cultivation resources para sa spiritual energy at sa kanilang bond.

Ang mga Spiritual Gems na ito ay mas mahal pa sa mga normal na hiyas. Ang bawat Spiritual Gem ay pwedeng makapagpabilis ng husto sa isang cultivation! Subalit, napakamahal nga mga ito, kaya ang mga kadalasang nakakabili lamang ay ang mga makapangyarihan at mayayaman.

Ang Palasyo ng Lin ay nagkaroon ng pagkakataong makapagtabi ng mga ito dahil sa Founding Emperor na binigay ito bilang gantimpala sa kanilang kahalagahan sa militar.

Nagtabi rin si Jun Xian ng mga matataas na kalidad na Spiritual Gems para kay Jun Wu Xie na kanyang gagamitin sa tamang edad ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magamit ang mga ito.

Sa ngayon, walang interes si Jun Wu Xie sa mga Spiritual Gems na ito. Masyado pang maaga para sa kanya ang paggamit ng mga ito dahil wala pa siyang nakaaangkop na cultivation technique. Tila isang sanggol na pinipilit ang pagtakbo kahit hindi pa natutong gumapang.

Ang may-ari ng tindahan ay isang lalaking nasa 50 taong gulang, nagsisigarilyo gamit ang kaniyang pipa habang pinapaalis ang lahat ng mga nagnanais bumili sa kanyang pwesto. Kahit na ganun ang kaniyang ugali, hindi ito pinansin ng mga taong nakapalibot sa kanya, sa katunayan, mas marami pang nagpupunta sa kanya.

Next chapter