"Papa!"
Hindi man lang nagkaroon si Duan Ling Tian ng pagkakataon na subukin ang kanyang Sun Saint Origin sa huling lebel niya nang walang tulong ng Elementary Devouring Tactic. Subalit, biglaan niyang narinig ang isang pamilyar na boses. Binuksan niya agad ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa direksyon nito at nakita niya ang isang batang nasa labing-dalawa o labing-tatlong taong gulang.
"Si Ling. Ang laki mo na…" Nang makita ni Duan Ling Tian ang bata, nanginig siya nang bahagya. "Mukhang tatlong taon na ang nakalipas noong magtungo ako sa saradong cultivation."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com