"Ikaw at ako lamang?"
Matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Duan Ling Tian, hindi agad naniwala si Xie Zong at siya ay tumingin na sa kanyang paligid.
Kumalat ang kanyang divine consciousness at tinignan ang bawat sulok sa kanyang paligid na para bang hindi siya magpapahinga hanggang sa hindi niya mahanap ang taong nagtatago sa dilim.
Hindi na nagsalita pa si Duan Ling Tian noong nakita niya ang kinikilos ni Xie Zong.
Unti-unting naging malamig ang kanyang tingin. Si Xie Zong na kanyang tinitignan ay naramdaman na para bang nahulog siya sa isang kweba na puno ng yelo.
Sa sandaling iyon, malinaw niyang naramdaman ang kagustuhang pumatay ni Duan Ling Tian.
"Sino ka? Bakit mo ninais na mapapunta ako rito?" Tanong ni Xie Zong na mayroong malalim na boses.
Sa parehas na sandali, tumitingin-tingin pa rin siya sa paligid, natatakot na baka mayroong biglang lumitaw sa kanyang tabi.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com