"Ang true innate ability ay isang tunay na Divine Ability. Hindi ito mas mahina kaysa sa isang high-grade Divine Ability!" Ang tinig ni Elder Huo ay pumasok sa mga tainga ni Duan Ling Tian at ganap na binago ang kaniyang pagtingin.
Hindi lamang walang kaugnayan ang innate ability na natutunanan niya sa Cloud Continent sa Divine Abilities, ngunit ito ay mas mahina pa kaysa rito. Natutunan niya mula kay Elder Huo na ang mga innate ability sa mga Mortal Continent ay hindi tunay na mga innate ability! Ang tunay na mga innate ability ay kasing lakas ng isang high-grade Divine Abilty!
Huminga nang malalim si Duan Ling Tian nang subukan niyang pigilan ang kaniyang pananabik, ngunit ang kaniyang tinig ay bahagyang nanginig nang siya ay magtanong, "Elder Huo, ang ibig mong sabihin... Ang Soul Attack Technique mula sa aking Strange Pupil ay ang aking innate ability, at ito ay hindi mas mahina kaysa sa isang high-grade Divine Ability?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com