Sa sandaling ito, hindi sumagi sa isipan ng lahat na nasa eksena, kasama si Zhao Deng, ang am ni Zhao Ji, na ang tungkol sa pagdala ni Zhu Lu Qi, ang Palace Master ng Heaven Palace, kay Xu Jing ay hindi ganoon kasimple.
Sa una pa lamang, paano nalaman ni Zhu Lu Qi na ang Devil Technique na nililinang ni Xu Jing ay ang Devouring Dark Devil Technique?
Si Zhu Lu Qi ay hindi si Zhao Ji. Kaya, hindi siya magpapakababa na gamitin si Li Feng upang patunayan si Xu Jing.
Ang nagsulsol sa bagay na ito ay walang iba kung 'di si Zhao Ji na nakatayo sa tabi ni Zhao Deng!
Noong nakaraan, pagkatapos makipag-usap ni Zhao Ji kay Xu Jing sa tagong silid sa ilalim ng lupa, siya ay nakaranas ng sakit ng ulo mula sa kundisyon na inalok ni Xu Jing. Para sa kaniya, mas mahirap pa para sa kaniya na iligtas si Xu Jing palabas ng tagong silid sa ilalim ng lupa. Maliban na lang kung ang kaniyang lolo o ama ay handa siyaing tulungan, ito ay isang imposibleng gawain.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com