Ang atake ng lalaking nakaputi ay napakalakas at napakabilis na hindi na magawang umiwas ni Duan Ling Tian.
'Titiisin ko na lamang ito!' Huminga nang malalim si Duan Ling Tian at agad na tinawag ang kanyang Sun True Origin para buuin ang 10,000 Swords Territory habang kaya niya pa sa pinakamabilis na paraan.
Subalit, ang ispada na ginagawa ng lalaking nakaputi ay napakabilis. Bago pa man mabuo ang 10,000 Swords Territory, nawasak na nito mismo ang Territory na tila ba isa lamang itong patay na sanga.
Ang 10,000 Swords Territory ay nawasak habang ang Sun True Origin naman niya ay nagkakagulo, na siyang naging dahilan ng mga malalang pinsala kay Duan Ling Tian.
Barf!
Sumuka si Duan Ling Tian ng dugo saanman. Subalit, wala na siyang oras pa para pansinin ang kanyang mga pinsala.
Ang lalaking nakaputi ay patungo sa kanya na may dalang ispada na para bang isang sword deity na nagmula sa kalangitan at handa na siyang puksain.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com