"Pumapayag ako! Pumapayag ako! Pumapayag ako!" Sa sandaling lumabas ito sa kanyang mga bibig, agad na sumagot si Liu Hian na tila ba natatakot siya na mawala ang pagkakataon na makipagtulungan kina Wang Fei Xuan at Ling Tian kung mahuhuli siyang sumagot.
Anong biro!
Nasa kanya na ang lahat at walang mawawala kung papasok sa SAint MArtial Secret Zone kasama sina Wang Fei Xuan at Ling Tian. Maliban nalang kung ang kanyang ulo ay nasipa ng asno, hindi niya ito tatanggihan.
"Dahil pumapayag ka, ayos na. Gayunpaman, mayroong isang bagay na dapapt mong gawin," tumango si Wang Fei Xuan habang tumingin kay Liu Jian, "Kilala mo si Ren Fei na mula sa Sky Hurdle Mansion, tama?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com