Ang Vice Palace Master ng Mystical Palace ay isang matandang lalaki na may puting balbas. Siya ay mukhang isang makadiyos na nilalang. Sa sandaling ito, siya ay nakatingin kay Duan Ling Tian nang may mabait na ngiti sa kaniyang mukha.
Pagkatapos ng pressure test kanina, halata naman na si Duan Ling Tian ang pinakanangunguna sa lahat ng mga Saint Stage genius na nasa ilalim ng edad na apatnapu na narito ngayong araw. Siguradong susubukin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang magsali ng isang talentado na ganoon sa kaniyang panig.
"Tandang Tian, ano'ng ibig mong sabihin?"
Ang Vice Palace Master ng Earth Palace ay naiinis nang makita niya na ang Palace Master n Mystical Palace ay sinubukang maki-alam. Sinabi niya sa isang hindi niya natutuwang tono, "'Wag mong kalilimutan na ayon sa utos, dapat ay kami, ang Earth Palace, ang unang makakukuha ng aming mga disipulo... Para naman sa Mystical Palace, maaari mo lamang silang piliin pagkatapos ko silang piliin."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com