"Han Xin, ano ang sinusubukan mong gawin?!" Sigaw ni Han Xue Nai habang nagbago ang kaniyang ekspresyon nang makita niyang walang kahirap-hirap na pinatay ni Han Xin si Qing Nu na pumoprotekta sa kaniya.
"Anong sinusubukan kong gawin?" umismid si Han Xin. "Han Xue Nai, lagi kitang tinatrato ng mabuti. Hindi ko naisip na wala kang utang na loob... Ang hinihiling ko lamang ay sabihin mo sa akin ang pinagmulan ng taong pumaslang sa aking apo, ngunit patuloy mong iniiwasan ang aking tanong! Ubos na ang aking pasensya. Ito na ang huli mong pag kakataon. Sabihin mo sakin kung saan nanggaling ang taong iyon. Kung hindi, maari ka ng mamatay kasama ni Qing Nu!" sabi ni Han Xin na bakas ang mithiing pumatay sa kaniyang mga mata ng tingnan niya si Han Xue Nai.
"Qing Nu! Qing Nu!" Si Han Xue Nai ay lumuhod sa tabi ng katawan ni Qing Nu, ang kaniyang mga mata ay mapula habang siya ay humikbi.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com