webnovel

Greenwave Han Mansion, Han Xue Nai

Editor: LiberReverieGroup

Isa rin itong gawain ni Han Jin Nian.

Kadalasan, tinrato niya muna nang maayos ang mga babae, at kapag nakahanap na siya ng kaparaanang gagana sa kanila, biglaan siyang magiging malupit at pipilitin ang mga babae na ibigay ang sarili nila.

Mula sa simula hanggang ngayon, hindi pa siya nabibigo.

"Sino ka?" Sa pagkakataong ito, tatlong maliliit na anyo ang agad na tumayo sa harap ni Han Jin Nian nang sabay-sabay, na siyang humarang sa kanyang paningin.

Isa itong batang lalaki at dalawang maliit na babae. Nakatitig sila kay Han Jin Nian nang buong ingat.

Nang makita ni Han Jin Nian na hinaharangan ng tatlong bata ang tanawin sa ng magandang babae, ang kanyang ekspresyon ay agad na nandilim. Subalit, naalala niyang dapat na maganda ang kanyang imahe sa harap ng babae, sa isang bigla, isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. "Ako si Han Jin Nian mula sa Greenwave Han Mansion."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter