Kahit na siya ay nagulat sa lakas ng tira ni Duan Ling Tian, hindi mapigilan ni Yi Tian Xing na mapabuntong-hininga noong makita niya na bahagyang gumilid ang palaso at tumama sa kaniyang balikat dahil sa kaniyang depensa. Subalit, nagbago ang kaniyang mukha sa sumunod na sandali. Ang kaniyang hitsurang napuno ng takot ay itinadhana bilang huling ekspresyon niya sa buhay niya.
Boom!
Kasabay nito, ang palasong nakabaon sa balikat ni Yi Tian Xing ay biglang sumabog at nagdulot upang maging isang madugong hamog ang itaas na bahagi ng kaniyang katawan. Bukod pa rito, ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan ay bumagsak na rin sa isang minuto.
Sa isang kurap lamang, ang katawan ni Yi Tian Xing ay nilamon ng isang itim na usok at tuluyan nang naglaho mula sa kalupaan ng mundo na tila ba wala siya dito noon pa man.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com