webnovel

Mararahas na mga Mata

Editor: LiberReverieGroup

Sa kritikal na pagkakataong iyon, biglang umikot si Su Qi at inapak ang kaniyang mga paa. Malakas na tumama ang shockwave na nagawa ng kaniyang True Energy sa hangin.

Bang!

Isang malakas na pagsabog ang tumunog sa oras na ito. Mabilis na bumagsak ang shockwave na ito habang lumipad naman siya paitaas na parang isang palaso.

Patungo ito sa ispada ni Ling Yun.

May isang patungo sa taas habang may isa namang patungo sa baba. Humampas nang malakas ang mga sword rays na naunang lumipad habang nakasunod dito ang mga saber rays na parang anino. Para nagliliyab na mga araw ang mga ito na halos parang nagpapalakasan ng liwanag sa langit.

Clang!

Bang!

Parang pagsabog ng dalawang araw ang naging pagtama ng saber at ng ispada.

Sa pinakasegundong iyon, may isang nakasisilaw na liwanag ang nagningning na para bang sinag ng araw habang may pagsabog ng hangin ang naganap sa ere. Isang daluyong ng hangin ang umihip sa lahat ng direksyon.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter