"Wala akong ideya…Maaaring ang lineal descendants ng ilang mga
dragon clan ay nanghihinayang sa pagpatay sa kaniya kaya't
kinaawaan siya ng mga ito," hula ni Han Xue Nai, "Posible ring
pinatalsik siya sa Dao Martial Saint Land dahil dito… Kung hindi,
paano pa ang isang batang five-clawed divine dragon, kahit na ito ay
isang matandang five-clawed divine dragon, hindi ito papayagan ng
dragon clan na masiyadong lumayo."
Minana ng isang five-clawed divine dragon ang bloodline ng dragon
clan, at ito ang 'ugat' ng dragon clan.
Kung hindi para sa katotohanan na maaaring magdala ng kaguluhan
sa kanila ang five-clawed Devil Dragon, malamang ay hindi ito
inabandona ng mga dragon clans.
"Bata? Xue Nai, ibig mo bang sabihin… si Di Yong ang Island Master
ng Half Moon Island, ay isa lamang batang five-clawed divine
dragon?" Naguluhan si Duan Ling Tian.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com