Sa kaloob-looban ng Lost Stone Forest, isang anyo ang lumitaw mula sa manipis na hangin sa harapan ng isang batong bahay na gawa mula sa isang malalim na higanteng bato.
Ito ay walang iba kung hindi ang makisig na matandang lalaking nakasuot ng pulang roba. Siya ang pumasok ng walang pahintulot sa Lost Stone Forest.
Ang matandang lalaki ay nakatingin sa batong bahay habang nagliliwanag ang mga mata. Para bang nakikipag-usap siya sa hangin sa bahagyang mabigat na tino, "mayroon kang Fire Spirit Body noon?"
"Paano mo nalaman?" Pagkalabas ng mga salitang ito sa kaniyang bibig, awtomatikong bumukas ang pinto ng batong bahay, at isang anyo na pareho ng isang diwata ang lumitaw sa harapan ng matandang lalaki.
Ito ay isang babaeng nakasuot ng pula.
Ang babaeng ito ay mayroong napakaganda at maamong mukha na kayang pag-awayin ang mga bansa. Sa sandaling lumitaw siya, tila natahimik ang buong paligid.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com