webnovel

‘Di Inaasahan

Editor: LiberReverieGroup

Gayunpaman, mukhang ang malibog na 'di gaano katandang lalaki ay hindi narinig ang sinabi ni Feng Tian Wu dahil patuloy siyang tumitig nang walang takot sa maganda niyang mukha.

'Bang!'

Sa sandaling aatake na si Feng Tian Wu, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa hangin.

Nakakita lamang si Feng Tian Wu ng isang kislap sa harap ng kaniyang mga mata bago tumalsik ang malibog na 'di gaano katandang lalaki.

Isang silweta katulad ng lilang kidlat ang sumunod.

Sa isang iglap lamang, ang malibog na 'di gaano katandang lalaki ay bumagsak sa lupa. Ang kaniyang paningin ay biglang naharangan nang subukan niyang tumayo. Wala man lang siyang pagkakataon na magkaroon ng reaksyon nang isang paa ang lumapag sa kaniyang mukha.

'Bang!'

Inapakan ni Duan Ling Tian ang mukha ng malibog na 'di gaano katandang lalaki. Nanatili siyang 'di gumagalaw at kasing tigas ng Mount Tai kahit ano'ng pagpipilit ng malibog na 'di gaano katandang lalaki.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter