webnovel

Huwag Pumasok sa Isang Hindi Mapapakinabangang Bagay

Editor: LiberReverieGroup

"Hindi ako pwede rito?" Nakangiting sabi ni Duan Ling Tian. Hindi niya binigyang pansin ang sinabi ng maruming matanda at nagpatuloy siyang maglakad patungo sa kanya at sa pasukan ng malaking bahay.

Ang kanyang lilang damit ay lumilipad na para bang lilang apoy sa bawat hakbang niya. Siya'y naglalabas ng nakasisindak na awra.

Nandilim ang mukha ng maruming matanda noong nakita niyang hindi binigyang pansin ni Duan Ling Tian ang kanyang sinabi. Kinuha niya ang lalagyan ng alak at uminom ng alak hanggang sa napuno ang kanyang bibig. Subalit, hindi niya ito nilunok, at nanatili lamang ito sa kanyang bibig.

Maya-maya, isang voice transmission ang pumasok sa mga tainga ni Duan Ling Tian at ikinagulat niya ito.

"Alis!"

Ginamit ng matanda ang pagkakataong nagulat si Duan Ling Tian at siya'y kumilos na.

Sou!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter