Sa ngayon, hindi lamang si Duan Ling Tian at Su Li ang lumabas, pati ang mga kinatawan at mga batang henyo ng iba't ibang mga Dynasty ang lumabas sa mga nakapaligid na mga pabilyon.
Kabilang dito ay sina Feng Wu Dao, Feng Tian Wu, at Zhang Shou Yong, at kabilang din dito ang Emperor ng Darkhan Dynasty, ang Second Prince na si Bai He, at ang Young Prince na si Bai Hao.
Si Zi Shang naman, siya'y nakatayo sa langit kasama ang nakaitim na matanda.
Ang nakaitim na matanda ay ang kanyang master, si Bai Nan Yin, ang Imperial Uncle ng Emperor ng Darkhan Dynasty, at siya ay ang kapatid sa parehong ama ngunit magkaibang ina kay Bai Nan Xiang, na pinaslang ni Duan Ling Tian gamit ang isang anting-anting noong araw na iyon.
Tumingin sa isa't isa ang mga miyembro ng Darkhan Dynasty. "Hinahanap nila si Duan Ling Tian? Mayroon bang ginawa si Duan Ling Tian?"
Sa sandaling napuno ng pagtataka ang mga miyembro ng Darkhan Dynasty.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com