"Mahusay, mahusay... Hahahaha..." Tumawa nang masaya si Jia Hong habang nakatingin siya sa mga henerasyon ng mga disipulo sa kaniyang harapan.
Isang libong taon na ang nakalipas, at sa wakas ay nagising na siya mula sa Firebreath Rock.
"Ancestor, gusto kong malaman kung ano na ang iyong kasalukuyang cultivation...?" Pagkatapos ng maikling sandali, tumingin si Long Wei kay Jia Hong at nagtanong nang may kaunting pananabik.
"Sa kasalukuyang kong cultivation, sapat na ito upang idala ag Demonic Lotusblade na magkaroon ng sariling lugar sa Darkhan Dynasty!" Kumislap ang mga mata ni Jia Hong habang marahan siyang nagsasalita.
Ang Darkhan Dynasty?
Ang mukha ni Long Wei ay muling nabalot ng kulay ng pananabik nang marinig niya si Jia Hong, samantala, sina Lu Yuan, Xue Rui, ang iba pang mga nakatataas ng Demonic Lotusblade, at ang lupon ng mga disipulo sa kapaligiran ay lubos ding nananabik.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com