Kanina, matinding gulat ang naramdaman ni Zhang Shou Yong noong nakita niya si Duan Ling Tian na gumamit ng isang abilidad na mahirap intindihin gamit ang kanyang mga mata.
Ngayon, batay sa mga salitang sinasabi ngayon ni Duan Ling Tian, tila mayroon siyang kilala na isang grade four Weapons Craftsman, at ito ay ikinagulat ni Zhang Shou Yong.
Bigla niyang naramdaman na ang maliit na lalaki na kailangan niyang alagaan noon ay lumaki na at naging tunay na lalaki.
"Marahil, hindi na magtatagal bago niya ako malampasan… Sandali! Maaaring nalampasan na niya ako ngayon." Napabuntong-hininga si Zhang Shou Yong.
Kung edad naman ang pag-uusapan, halos sampung taon na ang agwat niya kay Duan Ling Tian, ngunit ang taglay niyang natural na talento at abilidad ay ang mga bagay na sa tingin niya'y mahina kumpara kay Duan Ling Tian.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com