Ang Three-Eyed Flame Tiger ay hindi nagawang magkaroon ng paki tungkol sa gorge na yumanig sa punto na ito ay lumindol, inangat niya ang kaniyang ulo upang tumingin sa kalangitan, at ang pares ng kaniyang mga mata na parang mga batingaw na luamki sa dalawang bilog nang siya ay tumingin sa kulay dilaw na anyo na dahan-dahang bumababa.
Bakit bumalik ang babaeng ito?
Tapos na ang buhay ko!
Napasigaw sa kaniyang puso ang Three-Eyed Flame Tiger.
"Big Guy, hindi ko kailanman inkala na mamimiss mo ako nang sobra, talagang nananabik kang makita ako." Ang dalagitang may dilaw na kasuotan ay bumaba mula sa hangin upang tumayo sa malawak na likuran ng Three-Eyed Flame Tiger, at ang makulit niyang mga mata ay mayroong kalakasan nang siya ay bahagyang ngumiti.
Sa isang iglap, ang katawan ng Three-Eyed Flame Tiger ay nanigas, at hindi ito naglakas-loob na manginig muli.
Hindi niya gustong galitin ang babaeng ito.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com