Hindi mapigilang kumabog ng puso ni Duan Ling Tian nang marinig niya ang sinabi ni Zhao Lin, ngunit ang ekspresyon pa rin sa kaniyang mukha ay parang tila walang nangyari.
Ang una niyang naisip:
Paanong nalaman ng Zhao Lin na ito ang tungkol sa 10,000 Stalactite Milk?
Dahil natuklasan niya ang 10,000 Year Stalactite Milk, bukod sa kaniya at ang dalawang babae ay wala ng pang-apat na taong nakaaalam nito; ito ay isang bagay na hindi siya masiyadong sigurado.
Siyempre, tiwala siyang napaka-imposible na ikalat ng dalawang babae ang balitang ito.
Kaya't ngayon ay mayroong problema, paanong nalaman ito ni Zhao Lin?
"Elder Zhao Lin, ano ang sinabi mo? Ano ang stalactite milk? Bakit wala akong maintindihan sa sinasabi mo? Ito ba ay isang hindi pagkakaintindihan?" Hindi nagbago ang ekspresyon ni Duan Ling Tian at nakatingin nang kalmado kay Zhao Lin, pagkatapos ay kumunot nang bahagya ang noo at may nalilitong ekspresyon.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com