Ang salarin, si Ma Qin.
Naiisip na ni Duan Ling Tian na kung wala si Xiong Quan sa kaniyang tabi, eh 'di ngayong araw, siya at ang dalawang babae sa kaniyang tabi ay siguradong patay na.
Kaya para kay Duan Ling Tian, kahit ano pa ang maging kabayaran ng Ma Clan… Dapat pa ring mamatay si Ma Qin!
At halos sa eksaktong sandali na humingi ng awa si Ma Qin, isang asul na afterimage ang kumislap sa likod niya na may bilis ng parang hangin, na para bang ito ay isang multo.
Bang!
Ang matandang lalaki na may asul na kasuotan, ang isa sa mga Supreme Elder ng Ma Clan, ay umatake dahil sa galit, pinatay si Ma Qin sa isang palm strike lamang.
Ang matandang lalaki na may asul na kasuotan ay tumingin kay Duan Ling Tian at marahang sinabi, "Kahit na walang sabihin ang bisita, ang aming Ma Clan ay hindi hahayaang mabuhay ang isang tao na nagdadala ng kahihiyan sa clan nang ganito."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com