Umalis sila Duan Ling Tian at ang kaniyang pamilya sa bukang-liwayway ng sumunod na araw.
Nagpahanda si Patriarch Li Ao ng isang espesyal na karo para kay Duan Ling Tian. Hinihila ito ng limang malalakas at malalaking kabayo, kinukuha ang atensyon ng marami nang umalis ito sa Aurora City.
"Saan nagmula itong anyo na ito? Sino kaya ang nakasakay sa isang magarbong karo na iyon!
"Hindi mo ba nakikita ang sagisag ng Li Clan na nakaukit sa gilid ng karo na iyon?"
"Hindi kaya ang Patriarch ng Li Clan ang nasa loob?"
"Tanga! Si Duan Ling Tian ang nasa loob niyan, at paalis na siya patungong Imperial City. Nakalimutan mo na bang ang Duan Ling Tian na iyon at si Xiao Yu ng Xiao Clan ay nakapasa sa Genius Camp ng Iron Blood City at nakuha ang kwalipikasyon upang makapasok sa Paladin Academy?"
"Ang aga naman ata niya umalis?"
"Kailnagan niyang umalis nang maaga dahil isang karo ang gamit niya. May kalayuan sa atin ang Imperial City."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com