Spirit Serpent Movement Technique!
Mabilis na umabante si Duan Ling Tian at kumikislap siyang dumirekta patungo kay Li Zhong.
Sword Drawing Arts!
Isang tagos sa butong lamig na violet sword ang kuminang bago mabilis na nawala, at kumislap at nawala muli.
Tila nagbagong-anyo at naging kulay-lilang kidlat na may mga mata at lubos na tinatakpan ang lahat ng mga paggalaw Li Zhong ...
Dahilan upang hindi makaiwas si Li Zhong!
Whoosh!
Ang malamig na kinang ng violet sword ay tulad ng mapagmahal na haplos ng isang kasintahan, humahaplos sa lalamunan ni Li Zhong ...
Dahilan upang ang kaniyang katawan ay huminto at ang kaniyang eskpresyon ay mag-iba!
Walang malay na itinaas ni Li Zhong ang kaniyang kamay upang hawakan ang kaniyang lalamunan.
Ang malabong bakas ng dugo sa kanyang kamay ay tumatagos sa mata, nakasisilaw ...
"Si Duan Ling Tian ay nanalo!"
Narinig ang boses ng judge, mayroong bakas ng pagkagulat.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com