webnovel

Bumpkin

Editor: LiberReverieGroup

Sa daan pauwi, nagsimulang mag-isip-isip si Duan Ling Tian.

Siya ay siguradong sigurado na ang Howling Tiger Fist na isinagawa ni Li Xiao ay 70% na katulad sa kanyang Collapsing Fist.

At ang paraan ng pagbuhos ng puwersa ay halos kapareho!

Bukod pa rito, nadarama niya na mas mabilis ang Howling Tiger Fist kaysa sa Collapsing Fist sa isang antas.

Kahit na ang antas ng cultivation ni Li Xiao ay pareho sa kanya, parehong nasa ika-walong antas ng Body Tempering stage, maliwanag na hindi nakuha ni Li Xiao ang kabuuran ng Howling Tiger Fist.

Kung hindi man, kahit na hindi pa rin niya matatalo si Duan Ling Tian, ngunit hindi siya matatalo ng ganoon kalabis.

Middle grade Profound Rank martial skill?

Hindi malinaw na napagtanto ni Duan Ling Tian na maaaring nagkamali siya sa ilang mga bagay.

Sa kanyang isip, ang mga alaala ng Rebirth Martial Emperor ay mabilis na nagpakita...

Si Duan Ling Tian ay mabilis na nagkaroon ng isang bagong pang-unawa ng malalim sa Profound Rank martial skills.

"Ganoon pala iyon. Ang profound rank kumpara sa yellow rank ay isang bagong uri ng pagbabagong-anyo... Ang lakas ng isang Yellow Rank martial skill ay katumbas ng Military Boxing sa aking nakaraang buhay. Sa kabilang banda, ang low grade profound rank martial skills ay maihahambing sa Form at Will Boxing. "

Si Duan Ling Tian ay naliwanagan.

Noong nakaraan, nang makita niya ang low grade at middle grade yellow rank skills ng martial pavilion ng Li branch Family na mahirap seryosohin, nagkaroon siya ng ugali na kahit gamit ang kanyang Form and Will Boxing ay sapat na at sa gayon ay tinanggihan niya ang lahat ng martial arts ng mundong ito.

Ngunit ngayon ay napagtanto niya na ang Form at Will Boxing ng kanyang nakaraang buhay ay katulad lamang sa low grade Profound Rank martial skills ng mundong ito.

"Mukhang kailangan ko nang simulan ang pagseseryoso sa mga martial skills ng mundong ito."

Ang puso ni Duan Ling Tian ay kumibot.

"Ang mga martial skills, sa ibabaw ng mga offensive martial skills at mga movement techniques, mayroon ding mga defense techniques."

Sa pamamagitan ng mga alaala ng Rebirth Martial Emperor, ang mga gustong ni Duan Ling Tian ay lumalawak nang lumalawak, at nakakuha siya ng kaalaman sa mga bagay na hindi niya alam noon.

"Ang Nine Forms ng War Sovereign Technique ng Nine Dragons ng War sovereign ay may tatlong palang Heaven Rank Martial Skills na pinagsama dito... offensive martial skill, Nine Dragons Radiant Flash, movement technique, Dragon Soaring The Nine Heavens; at defense martial skill, Nine Dragons Barrier!"

Huminga ng malalim si Duan Ling Tian. Nakakaramdam siya ng tuwa.

Ang Spirit Serpent Movement Technique sa War Sovereign's Nine Form's Spirit Serpent Form ay isang pangunahing bahagi ng Dragon Soaring The Nine Heavens martial skill, isang high grade Profound Rank movement technique.

"Kung yayapak ako sa Core Formation Stage, ay magagawa ko nang i-cultivate ang pangunahing bahagi ng Nine Dragons Radiant Flash, na high grade Profound Rank martial skill na tinatawag na Dragon's Finishing Touch!"

"Kung yayapak ako sa Core Formation Stage, ay magagawa ko na ring i-cultivate ang pangunahing bahagi ng Nine Dragons Barrier, na isang high grade Profound Rank martial skill na tinatawag na Earth Dragons Shield!"

Nang napansin ang ngiti sa mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian, ​​ang dalagita sa kaniyang tabi ay hindi makapagpigil na magtanong, "Young Master, ano ang iyong iniisip?"

Natawa si Duan Ling Tian. "Wala. Matagal na tayong nasa labas, bumalik na tayo para hindi mag-alala si ina."

Noong gabing iyon, bumalik si Duan Ling Tian sa kanyang silid ng maaga at humiga sa kanyang kama.

Siya ay nakatitig sa kisame habang siya ay natutulala.

Sa kanyang puso, siya ay nag-iisip tungkol sa mga martial skills...

Isang mahiwagang pinto ang dahan-dahang bumubukas sa kaniyang harapan.

Nang sumunod na araw, dinala palabas ni Duan Ling Tian ang dalagita, at iniwan ang lugar ng Li Clan.

Plano niyang bumili ng ilang medicinal materials para sa Seven Treasures Body Tempering Liquid at para na rin sa ibang gamit nito.

Para naman sa Thunder Flame Pills, hiniling ni Duan Ling Tian kay Grand Elder Li Huo na gumawa ng ilang daan para sa kanya bago siya umalis ng Fresh Breeze Town, higit pa ito sa sapat para sa kanya at kay Ke Er na gamitin hanggang sa sila'y makayapak sila sa Core Formation stage...

Ang pares ay mabilis na nakarating sa pinakamalaking pamalihan ng kalakalan sa buong lungsod.

Ang sobrang magandang mukha ng dalagita ay nakakaakit ng maraming nag-aapoy na tingin mula sa malilibog na mga lalaki. Sinundan ng kanilang mga mata ang dalagita hanggang sa pagpasok niya sa isang marangyang medicine store.

"Ano po ang aming maitutulong sa inyo?"

Sa sandaling pumasok si Duan Ling Tian kasama ang dalagita, personal na binati ng manager ang mga ito, mahinhin ang kanyang tono.

Napansin niya ang crest ng Li Clan sa kanilang mga damit.

Ang Li Clan ay isang colossus sa Aurora City; kahit ang kanyang medicine store ay inupahan lamang mula sa Li Clan ...

Pagkatapos sabihin sa kaniya ni Duan Ling Tian ang tungkol sa mga medicinal materials na kailangan niya para sa Seven Treasures Body Tempering Liquid, nagpatuloy siya, "Bukod diyan, maghanda ka ng ilang Spirit Tempering Grass, Amber Lead, at Fifty-Year-Old Blood Lingzhi."

"Aking mamimili, gaano karaming three spirit medicines ang iyong kailangan?" ang manager ay magalang na nagtanong.

"Dalawampung libra ng Spirit Tempering Grass at ng Amber Lead. Para naman sa Fifty-years-old blood Lingzhi, kukuha ako ng limang libra."

Si Duan Ling Tian ay sandali pang nag-isip bago dahan-dahang tumugon, "Limang libra ng fifty-years-old blood Lingzhi?"

Ang manager ay hindi makapagsalita. Hindi siya makapaniwala kung ano ang kaniyang narinig. "Aking mamimili, hindi ka nagbibiro, tama? Ang iba mga spirit grass na iyong hinihiling ay mga karaniwang damo lamang at nagtutumbas ng maliit na halaga lamang... Ngunit ang Blood Lingzhi ay, sa kabila ng lahat, limampung taong gulang; ang limampung gramo pa lamang ay nagkakahalaga na ng isang libong pilak, paano pa kaya nag limang libra... "

"50,000 na pilak, tama ba?"

Umabot sa kaniyang bulsa si Duan Ling Tian at inilabas ang isang salansan ng mga perang papel na may isang libong denominasyon at ipinakita ito. "Huwag kang mag-alala, hangga't maihahanda mo ang mga medicinal materials, ang iyong makukuhang pilak ay hindi bababa."

"Tama, tama."

Nang makita si Duan Ling Tian na maglabas ng maraming perang papel, kuminang ang mga mata ng manager. Nang walang anumang pagdududa, dali-dali siyang nagtungo upang ihanda ang mga medicinal materials. "Aking mapagkakatiwalaang mamimili, maaari mong tignan kung mayroon ka pang ibang kailangan."

"Sige."

Si Duan Ling Tian ay tumango.

"Young Master, ang Blood Lingzhi ay napakamahal. Mayroon bang anumang espesyal tungkol dito?"

Ang dalagita ay mapaglarong inilabas ang kanyang dila, tinitingnan si Duan Ling Tian na may titig ng pagtatanong.

"Ginagamit ito bilang medicinal catalyst para sa medicinal liquid upang macultivate ang mga defensive martial skills. Ang limang libra ng Blood Lingzhi ay sapat lamang para sa atin na magamit sa loob ng dalawang buwan."

Si Duan Ling Tian ay bahagyang ngumiti.

Dalawang buwan?

50,000 na pilak?

Ang dalagita ay natigilan. Mayroon siyang gustong sabihin na isang bagay ngunit siya bahagyang nag-aalangan. "Young Master, hindi ba ito masyadong magara?"

Si Duan Ling Tian ay umiling. "Ke Er, dapat mong tandaan na kung gusto mong mapabuti ang iyong lakas, talagang hindi ka makatitipid sa pera... Ang pera ay isa lamang makamundong pag-aari, kung nagamit mo ang lahat ng ito, maaari ka pa ring makahanap ng paraan upang kumita ng higit pa."

Ang dalagita ay bahagyang tumango dahil napagtanto niya ang isang bagay at naintindihan ito.

"Kapatid Li Yuan, pagkatapos mong bumili ng ilang Blood Lingzhi, ang iyong Golden Bell Cover martial skill ay dapat makahakbang sa unang yugto, tama?"

Ang isang tunog ay ipinapadala mula sa labas ng medicine store, ito ay palapit ng palapit.

Golden Bell Cover?

Ang puso ni Duan Ling Tian ay kumibot.

Ang defense martial skill na ito ay kasama sa mga alaala ng Rebirth Martial Emperor dahil ito ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na defensive martial skills sa middle grade Profound Rank.

Kapag matagumpay itong nacultivate, ang isa ay maaaring tumayo tulad ng isang hindi matinag na bundok, na parang isang gintong kuliling. Ang ordinaryong mga tao ay hindi magagawang sirain ang depensa.

"Oo, sa sandaling bumili ako ng dalawa at limampung gramo ng Blood Lingzhi sa oras na ito, magagawa kong yumapak sa unang yugto bago magsimula ang martial meet ng clan.

Ang isa pang tinig ay tumunog. Ang tinig na ito ay may bakas ng pagmamataas at katigasan.

Ang unang tinig ay bumuntong-hininga at naiinggit na sinabi, "Kapatid Li Yuan, tunay na ako'y inggit sa iyo, iyan ay nagkakahalaga ng limang libong pilak... Kung ang aking ama ay gumastos ng ganyan kalabis sa akin, ang aking Iron Arm Technique sana ay hindi nagtagal na magawa at hindi pa rin maaaring pumasok sa rudiments stage."

Sabi naman ng isa pa, "Gumawa ka ng paghahambing sa ganitong paraan: Ako ang nag-iisang anak sa pamilya, ngunit mayroon kang isang malaking kapatid na lalaki. Narinig ko na ang iyong kapatid na lalaki, si Li Zhong, ay nacultivate ang Iron Arm Technique patungo sa unang nitong yugto kalahating taon na ang nakaraan."

"Tama."

Ang boses ng unang tinig ay naglalaman ng bakas ng pagkainggit.

"Siya iyon!"

Nakilala ni Duan Ling Tian kung kanino galing ang unang tinig. Ito ay isang disipulo ng main clan, si Li Xiao, na kaniyang natalo kahapon sa outer court martial arts practice field.

Hindi niya inasahan si Li Xiao, na may dalawa o tatlo lamang sa kanyang mga buto sa daliri ang kaniyang binali, na may lakas na lumabas at makalakad sa palengke ngayon.

Sa mabilis na pag-iisip, naunawaan ni Duan Ling Tian.

Batay sa pinsala na natanggap ni Li Xiao kahapon, kung gumamit siya ng isang Grade Nine Gold Injury Pill, gagaling siya sa loob lamang ng isang gabi.

Paggamit ng Gold Injury Pill sa naturang bahagyang pinsala.

Ang mga disipulo ng main clan ay talagang maluho!

"Li Xiao, narinig ko na natalo ka sa isang bagong-dating na disipulo ng family branch kahapon, at ginamit pa niya ang Howling Tiger Fist laban sa iyo?"

"Kapatid Li Yuan, 'wag mong banggitin ito, ako ay minalas lamang kahapon. Sinong makakaalam na ang isang bagong dating na disipulo ng family branch ay nasa ika-walong antas ng Body Tempering stage at ang kanyang Howling Tiger Fist ay maaari nang makayapak sa yugto ng pagkadalubhasa... Ngunit ang kanyang Howling Tiger Fist ay tila hindi kumpleto. Kung magagawa kong icultivate sa pagkadalubhasa ang aking Howling Tiger Fist sa lalong madaling panahon, maaari ko siyang matalo!"

"Talagang kakaiba na ang isang disipulo ng family branch ay gumamit ng middle-grade na Profound Rank martial skill."

"Huwag mo na siyang banggitin. Oo nga pala, Brother Li Yuan, ang maliit na dalagita sa kaniyang tabi ay talagang magaan ang katawan at maganda, hindi mo ito maikukumpara kay Li Shi Shi."

"Mas maganda siya kay Li Shi Shi? Sigurado ka ba?"

...

Ang dalawang bata sa edad na labimpitong ay nag-usap habang sila ay naglalakad palabas sa medicine store.

"Ikaw!" sabi ni Li Xiao sa isang mababang tinig, tinitingnan ang pares na nakatalikod sa kanya. Nakilala niya ang itsura ng kanilang mga likod.

Si Li Yuan din ay tumingin patungo sa pares at nagtanong, "Li Xiao, kilala mo ang mga ito?"

"Kapatid Li Yuan, siya ang disipulo ng family branch na sinasabi ko sa iyo kanina, si Duan Ling Tian!" Sabi ni Li Xiao sa isang mababang boses.

"Mukhang may kapalaran sa pagitan namin. Ang Lunsod ng Aurora ay napakalaki, ngunit dito kami nagkita." Sinama ni Duan Ling Tian ang dalagita habang siya ay lumingon at ngumiti.

"Humph!" Ang ekspresyon ni Li Xiao ay bahagyang naging seryoso.

Gayunpaman, si Li Yuan sa kanyang tabi ay nakapako ang titig sa dalagita sa tabi Duan Ling Tian, ​​hindi na magawang tumingin palayo.

Ang payat at kaaya-aya na dalagita na may isang hindi maitatangging napakarilag na mukha na sanhi sa kanyang puso na manginig.

Bumulong si Li Yuan sa kanyang sarili, "Siya ay talagang kahit konti ay hindi mas panget kay Li Shi Shi, at sa ilang mga puntos na mas maganda kaysa kay Li Shi Shi..."

Nang napansin ang hindi mapigilang titig ni Li Yuan, napakunot-noo ang dalagita.

"Hi, narinig ko ikaw ay isang disipulo ng family branch na dumating sa main clan. Paano kung tayo ay maging magkaibigan?"

Sa pag-alis ng kanyang nag-aalab na titig, lumakad palapit si Li Yuan sa isang maayos na paraan, na parang isang ganap na kakaibang tao 'di tulad kanina.

"Hindi kita kilala." Ang tinig ng dalagita ay malamig at seryoso, tila hindi ito maaaring lapitan.

"Kaya dapat natin kilalanin ang isa't isa simula sa sandaling ito... Ako si Li Yuan, isang disipulo ng main clan. Sa outer court, hangga't sasabihin mo ang aking pangalan, ang sinumang tao ay magbibigay sa iyo ng pansin at itatrato ka rin ng paggalang dahil sa akin."

Ang paraan ng pagsasalita ni Li Yuan ay napupuno ng pagmamataas.

"Oh? Nangangahulugan ba na ang mga disipulo sa outer court ay hindi maglalakas-loob na agrabyaduhin ka?"

Si Duan Ling Tian ay tumingin kay Li Yuan.

"Humph! Duan Ling Tian, ​​lakas ni Kapatid Li Yuan ay nagraranggo ng ikatlo mula sa tuktok sa outer court. Kung ikaw ay matino, aalis ka na ngayon sa aking paningnin, baka si Kapatid Li Yuan ang magdadala sa iyo sa ilalim ng kaniyang pakpak dahil napakatino mo."

Bago pa makapagsalita si Li Yuan, umungol si Li Xiao.

"Oh, talaga?"

Si Duan Ling Tian ay nang-aasar na ngumiti. Hindi pinapansin ang mga mata ni Li Yuan na tila nag-aalab, hinawakan niya ang kamay ng dalagita at lumayo, na hindi pinapansin ang dalawa sa kanila.

Huminga ng malalim si Li Yuan at sinabi, "Hangga't handa kang maging kaibigan ko, maaari kitang bigyan ng isang malaking regalo. Limampung gramo ng Fifty-year-old na Blood Lingzhi.

Ito ay malinaw na sinabi sa dalagita sa tabi ni Duan Ling Tian.

Si Duan Ling Tian ay bahagyang tumawa habang sinabi niya sa dalagita, "Ke Er, ang ilang mga tao ay tunay na kuripot, nagnanais na suholan ka ng limampung gramo lamang ng Blood Lingzhi."

"Bumpkin, ano ang alam mo? Ang sinasabi ni Kapatid Li Yuan ay tungkol sa fifty-year-old blood Lingzhi, ang limampung gramo ay nagkakahalaga na ng dalawang libong pilak... Ang isang bumpkin na tulad mo marahil ay hindi kayang makagawa ng kahit isang daang pilak na barya, tama ba?

Pang-aaasar ni Li Xiao.

Next chapter