Mayroong nasa 11 na tao ang nasa loob ng salang iyon.
Kasalukuyang nakaupo sina Thunder God, Hong at siyam pang hindi kilalang tao ni Luo Feng sa gilid ng isang napakahabang hapag kainan.
"Luo Feng."
"Luo Feng."
Tumayo sina Hong at Thunder God. Napalingon naman ang siyam para tingnan si Luo Feng, kasabay ito ang pagtayo ng walo sa kanila. Ang nag-iisang hindi tumayo sa kanyang kinauupuan ay isang matandang lalaki sa gitna na mayroong mahaba at silver na buhok habang lumilingon para maingat na obserbahan si Luo Feng bago magpakita ng isang ngiti. "Luo Feng, ako nga pala si Bu De Asuka, naririto ako sa ngalan ng ating emperor, ang emperor ng Black Dragon Mountain empire."
"Magalang na pagbati po Lord Asuka," mabilis na yumuko si Luo Feng.
Matapos makapunta sa Ganwu auction kung saan niya nagawang makakita ng napakaraming sector lord, magagawa nang masabi ni Luo Feng sa loob ng isang tingin na isang sector lord ang matandang lalaki na ito!
Support your favorite authors and translators in webnovel.com