Dumaloy ang nakakarelax na musika sa bawat sulok ng Hall. Makikita rin ang mga nagguwaguwapuhan at naggagandahang waiters at waitresses na nagseserve ng mga napakabangong pagkain sa mga bisita ng pagdiriwang.
Makikita rin sa loob ng hall ang iba't ibang kilalang tao na nakikipagusap sa isa't isa.
"Old Li, ano bang itinatago-tago mo rito?" sabi ng isang malalim na boses. Isang matangkad at middle aged na maskuladong nakasuot ng suit ang ngumiti at lumapit sa kanya. Tumingin sa kanya ang natatawang si Li Da Wei at, "Ye Zhong, napakaaga mo naman ata pumunta rito kahit isa ka sa pinakamalaking mayor ng China."
"Magsasama-sama ngayon dito ang mga dati nating kaibigan kaya paanong hindi ako mapapapunta rito ng maaga," ngiti ng malaking maskulado.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com