"Paanong may God King level Primal Chaos energy si Zhao Feng?"
Nalilito na ang isip ni Beiming Hui.
Kung ginamit ni Zhao Feng ang enerhiya na ito mula simula, matagal na siguro siyang namatay.
Ganoon pa man, ang grupo ni Zhao Feng ay nahirapang pigilan si God King Charflame.
Paniguradong may limitasyon sa God King level energy na nasa katawan ni Zhao Feng. Sa loob ng matagal na panahon, mawawala rin ito.
Subalit sa pagkakataong ito, may naramdaman si Beiming Hui at napangiti siya. Narito na ang Protector!
Sa isang distansya, si God King Charflame ay madilim ang mukha at tahimik.
"May…mali!"
May napansing kakaiba si Zhao Feng kakaiba sa ere, at sa parehong pagkakataon, ang kanyang kaliwang mata ay kumislot.
Biglaan, isang malawak at mala-langit na presyon ang siyang bumaba.
Ang rehiyon ay nayanig at ang mga katawan ng grupo nila Zhao Feng ay lumubog na tila ba tinamaan sila ng isang malaking martilyo.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com