Handa na sanang sumugod si Ancient God Shadow Death at ang kaniyang grupo kay Zhao Feng upang mahuli na siya, subalit hindi nila lubos maisip na lilitaw si Zhao Feng bago pa man sila maka-atake. Lubha silang natulala sa eksena sa harapan nila.
"Kaya ba kayo nagtagal dahil hinahanap niyo ang Zhao na ito?" Walang emosyong sinuri ni Zhao Feng ang grupo ng apat na tao.
Sa apat na ito, ang nakaitim na matanda at ang matangkad at maskuladong lalaki ay mga Rank Nine Ancient Gods. Malinaw na isang miyembro ng Blazing Gold Race ang lalaking nakaitim samantalang ang matanda naman na iyon ay may katawan na parang isang anino, halos sumanib na ito sa kadiliman. Kung hindi maingat na susuriin ng isang tao ang lalaking ito, hindi niya ito mararamdaman. Normal lamang ito para sa isang taong may bloodline ng 18th ranked Shadow Race.
Ang matandang lalaking mayroong itim na kalasag at ang binatang may gintong maskara ay nasa tugatog naman ng Rank Eight.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com