"Patayin ako?" Nagulantang sa una ang Rank Three True God mula sa Yellow Dragon Pavilion, pero agad rin siyang tumawa. Kahit na hindi masyadong maganda ang nangyari sa huling palitan nila ng atake kay Zhao Feng. Hindi nangangahulugan na kaya siyang patayin ni Zhao Feng.
"Tignan natin kung paano mo magagawang patayin ako!" Isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa mukha ng Rank Three True God.
Malakas si Zhao Feng, maraming techniques, at mayroon pa nga siguro itong napakalakas na divine weapon. Subalit, kahit na hindi pa siya kapantay ni Zhao Feng, kung gugustuhin niyang tumakbo gamit ang lahat ng kanyang lakas, mahahabol kaya siya ni Zhao Feng at mapapatay? Matapos ang lahat, sa kanyang kasalukuyang sitwasyon, si Zhao Feng ang siyang hinahabol.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com