Nanigas si Sacred Lord Demonic Abyss habang tinitignan ang senaryong ito. Ang nilalaman ng imaheng ito ay pagpupulong ng mga pwersang sumusuporta sa Thirteenth Prince na nagdidiskusyon kung paano papatayin si Zhao Feng.
Ang mga taong lumitaw ay mga kumakatawan sa mga pwersang sumusuporta sa Thirteenth Prince. Maging ang Sacred Lord na may itim na kalasag mula sa Nine Darkness Palace ay nandito. Paano ito nakuha ni Zhao Feng?
Naguluhan ang Sacred Lord Demonic Abyss.
"Ang aurang iyan...?"
May kakaibang naramdaman ang Sacred Lord Demonic Abyss matapos ang kanyang gulat. Isang makapangyarihang Demonic Dao ang naglalaman ng malamig na liwanag ang tumama sa kalasag ni Zhao Feng. Sa aura pa lamang, alam na ng Sacred Lord Demonic Abyss na ito ay mula sa Nine Darkness Palace.
Mayroon bang espiya sa Nine Darkness Palace? Lubhang nagdilim ang ekspresyon ng Sacred Lord Demonic Abyss. Walang duda kaya hindi sila magtagumpay sa pagpatay.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com