Sa isang disyerto sa Caopy Great Country, isang lalaki na may itim na buhok at isang kabataang may lilang buhok ang magkaharap. Nalulukot ang mga damit nila sa gitna ng sandstorm.
"Zhao Feng, hindi ko naisip na sobrang laki ng tagal ng magiging muling pagkikita natin, pero gusto ko pa rin makipaglaban," malalim ang boses ni Yu Tianhao, at may alon ng battle-intent ang lumitaw sa mata niya. Sa ilalim ng estado ng battle-intent na iyon, ay mas lumakas lalo ang mental energy ni Yu Tianhao, at unti-unti na ring tumaas ang kaniyang half-step King Intent.
Kaharap ang kalabang iyon at napabuntong-hininga si Zhao Feng sa loob-loob niya. Hinahangaan niya si Yu Tianhao; kung ibang tao ang kaharap niya ay baka katakutan na ito.
"Hindi pa umaabot ng sampung taon, Yu Tianhao," ngiti ni Zhao Feng na parang wala lang ba ang pangyayari. Higit isang taon pa lamang ang nakakalipas at hindi sampu.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com